ni Julie Bonifacio @Winner | October 06, 2023

Excited ang parents ni Kaila Estrada na mapanood ang bago niyang drama series mula sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment, ang Linlang na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Paulo Avelino at JM de Guzman sa Prime Video.
Si Kaila ay ikatlong anak ng award-winning stars na sina Janice de Belen at John Estrada.
Mapapa-proud tiyak sina Janice at John kay Kaila based sa napanood naming performance niya sa Linlang.
Inamin ni Kaila na humingi siya ng payo sa kanyang ina kung paano niya ide-deliver ang kanyang role bilang submissive wife ni JM.
Pag-amin ni Kaila, “Actually, I did. I asked her for advise sa eksena kasi nga po, this is a very challenging and intimidating project for me.
"Nu’ng una, talagang kabado ako kasi as you can see, grabe ‘yung cast, ‘di ba?
“Very powerful. Pero sobrang grateful ako na pinagkatiwalaan ako ng ABS-CBN to be a part of this and I’m so blessed to do this project.
“And uhm, sobrang generous and mababait ‘yung mga katrabaho ko (like), especially si Inay (Maricel Soriano). Sobra kaming naging close doing this show and everybody.
“They all really help me and guided me for this project. So, sobrang grateful po ako talaga.”
Ipinaalam daw niya kay Janice ang proyekto at aprubado rin daw ng kanyang ina ang role niya sa Linlang.
“Yes! Humingi ako ng mga advise sa kanya sa ibang mga eksena kasi nga alam niyang kinakabahan ako,” pahayag ni Kaila.
Lagi raw siyang binibigyan ng advice ni Janice when it comes to acting.
“Uhm, she always gives me the best advice. Ang advice niya sa akin is, of course, 'Always figure out where is your character coming from.' Lagi ka doon babalik, eh, kung ano talaga ‘yung needs and wants nu’ng character mo, doon ka babalik.
“And also, she tells me to relax, hehe, not overthink. Kasi sabi niya, minsan, 'yun pa ‘yung magki-create ng problems mo as you get on set.

“So, sabi niya, just relax, know your script, know your character. Kaya mo ‘yan. ‘Yung mga simpleng ganu'n lang ni Mama. Feeling ko, marinig ko lang talaga siyang magsalita, okey na talaga ako, eh,” pagri-reveal ni Kaila.
Nagsimula nang ipalabas ang first two episodes ng Linlang sa Prime Video nitong Huwebes, October 5.
Ang Linlang ay ang ikatlong drama series ni Kaila. Una ay ang Viral Scandal at pangalawa ang The Chosen.
Kasama rin sa Linlang ang Diamond Star na si Maricel Soriano at sina Jake Ejercito, Jaime Fabregas, Heaven Peralejo, Ruby Ruiz at marami pang iba sa direksiyon nina FM Reyes at Jojo Saguin.
Ang bagong suspense-thriller series ng ABS-CBN na Linlang ay ipinapalabas sa Prime Video na available sa Pilipinas at sa mahigit 240 bansa at teritoryo sa buong mundo.
And speaking of Janice and John, hanggang ngayon ay nananatiling not on speaking terms ang ex-partners.
Tinanong namin si Kaila kung may effort ba sila ng kanyang mga kapatid na pagkasunduin ang kanilang mga magulang or totally nag-give-up na rin sila na hayaan na lamang ang mga ito?
Sagot ni Kaila, “Yeah, I feel like, personally for me, siyempre, I cannot speak for my siblings, matagal ko na ring tinanggap ‘yun. And I feel that it’s better na rin, ‘di ba?
“Mom is okay. My Dad is okay. We have good relationship with both parents.
“Uhm, that’s really up to them naman. You know, I respect both. I respect their own feelings, ‘di ba?
“And uhm, kung hindi nila kayang maging friends, okay lang. Kasi okey naman po kami. We have a good relationship like what I've said, with both. And I feel that’s the most important thing."
Wini-wish din kaya ni Kaila na makahanap na ulit ng partner ang kanyang ina and eventually, get married again?
“Uh, kung gusto niya, why not, ‘di ba? I mean, I want my mom to be happy. But if she doesn’t think that’s where her happiness is, then, okay lang din,” lahad ni Kaila.
Commenti