top of page
Search
BULGAR

Kaila, idinamay, tinawag na “anak ng cheater”… DANIEL, RICHARD, BARON, MARIS AT ANTHONY, PARE-PAREHO RAW MANLOLOKO, SAMA-SAMA SA SERYE

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 15, 2024



Photo: Incognito cast - Facebook, Star Magic, circulated


Tama lang na mag-react si Janice de Belen at idepensa ang anak nitong si Kaila Estrada. Tinawag kasi itong “anak ng cheater” dahil lahat daw ng artistang na-cast sa seryeng Incognito ay mga cheaters (except Ian Veneracion). 


Ilan sa major cast ay sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Baron Geisler, Maris Racal at Anthony Jennings, kaya pati si Kaila Estrada ay idinamay na rin. 


Pero bawing-bawi naman ang pagkuha ng ABS-CBN sa magagaling na artistang kasama sa serye. Magugustuhan ng mga viewers ang Incognito dahil punumpuno ng action scenes, at kinunan ang mga eksena sa magagandang lugar.


Hanggang sa Italy ay dumayo pa sina Ian, Daniel, Richard, Maris, Anthony at Kaila. Ginastusan nang husto ang mga special effects ng serye.


Well, tiyak na papalag din ang cast ‘pag nabanggit na sila ay mga ‘cheaters’.


 

Hindi na nga maitatago pa sa publiko ni Rufa Mae Quinto ang katotohanan sa paghihiwalay nila ng kanyang mister na si Trevor Magallanes. Talk of the town ito ngayon at patunay din na inalis na ni Trevor sa kanyang Instagram (IG) ang mga larawan nila ni Rufa Mae. 


May screenshot din na nakuha ang ilang netizens sa naging mainit na sagutan nina Trevor at RMQ via chat mula sa ipinost na Instagram Stories ni Trevor. 


Nagde-demand ngayon si Rufa Mae ng sustento para sa kanilang anak na si Athena. 

Marami naman ang nakikisimpatya sa aktres sa paghihiwalay nila ng kanyang mister. Pero, alam naman ng kanyang mga kaibigan na malalagpasan ni Rufa Mae ang pagsubok na pinagdaraanan ngayon. 


Palaban sa buhay si Rufa Mae at hindi basta sumusuko sa anumang problema. Hindi siya ang tipo na magmumukmok at iiyakan ang mga kabiguan sa pag-ibig. Mananaig pa rin ang kanyang masayahing personalidad. 


At madali siyang makaka-move on. Tulad ni Ai Ai delas Alas, idadaan na lang sa pagko-comedy ni Rufa Mae ang lahat.


 

MARAMING direktor ang pumupuri kay Dennis Trillo dahil sa pagiging professional nito at sobrang dedikasyon sa kanyang trabaho bilang aktor. Kaya naman, nabibigyan niya ng buhay ang bawat karakter na kanyang ginagampanan sa pelikula at telebisyon. 


Sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 entry ng GMA Pictures na Green Bones (GB), nag-aral pa siya ng sign language upang maging realistic ang kanyang pagganap sa kanyang role. 


Nadala rin ng aktor si Ruru Madrid at nakipagsabayan sa kanya sa aktingan. 


Kakaiba ang tema ng GB at may hatid itong good vibes. Tiyak na tulad ng Firefly movie last year, mapapansin ng mga hurado ng MMFF 2024 ang merits ng pelikula. 


May paniniwala ang marami na ang taong na-cremate na kinakitaan ng “green bone” ay isang mabait na tao. Isa na rito ang aktres na si Jaclyn Jose nang ma-cremate. Ganu’n din ang kuwento ng isang ginang na nai-feature sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), may “green bone” rin na nakita nang siya ay ma-cremate dahil mabait at matulungin noong nabubuhay pa.


0 comments

تعليقات


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page