top of page

Kahulugan ng panaginip na sobrang lungkot at walang pag-asa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 26, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 26, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Auring ng Zamboanga.


Dear Maestra,

Napanaginipan ko na sobrang lungkot ko at halos mawalan na ng pag-asa sa buhay. Naisip kong puntahan ang matalik kong kaibigan upang makipagkuwentuhan, subalit siya rin pala ay sobrang malungkot dahil sa sitwasyon na dinaranas natin ngayon. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Auring


Sa iyo, Auring,

Ang sobrang kalungkutan sa iyong panaginip ay nangangahulugang kabaligtaran sa tunay na buhay. Ibig sabihin, liligaya ka na sa wakas at isang hindi inaasahang pangyayari ang magdudulot sa iyo ng kaligayahan. May kaugnayan ito sa iyong pamilya, kung saan isa sa mga miyembro ng pamilya mo ang susuwertehin at pagpapalain. May promotion siyang matatanggap sa kumpanyang pinapasukan niya bukod pa sa pera at iba pang regalo galing sa may-ari ng kumpanya.


Ang buhay ng tao ay sadyang ganyan. Sa kabila ng kalungkutan, may kaligayahan. Sa bawat pagluha, may kasunod na biyaya.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page