ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-10 Araw ng Abril, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joy ng Pangasinan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nasa abroad ako. Nakatayo ako sa taniman ng oats, habang naglalakad ako may natanaw akong tatlong oak tree. Ang lago ng dahon, ngunit ‘yung isa ay lanta at tuyot na.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Joy
Sa iyo, Joy,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa abroad at nakatayo ka sa taniman ng oat ay paglalakbay, magkakapag-abroad ka sa lalong madaling panahon. Ito rin ay nagpapahiwatig na roon mo makikilala ang magiging husband mo. Pakakasalan ka niya at magiging matagumpay ang pagsasama n’yo. Mabait, tapat magmahal at maaasahan siya sa lahat.
Samantala, ang dalawang oak tree na may malagong dahon ay senyales na uunlad na ang pamumuhay mo. Papalarin ka sa negosyo at magiging masaya na ang pamilya mo.
Ang lanta na mga dahon sa oak tree ay paalala na hindi lagi magiging maaliwalas ang iyong kalagayan dahil masisingitan ka rin paminsan-minsan ng mga suliranin.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments