Kahulugan ng namalimos sa simbahan
- BULGAR
- Oct 28, 2024
- 1 min read
Updated: Oct 29, 2024
ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 28, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dexter ng Marinduque.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na namamalimos ako sa harap ng simbahan.
Marami ang nagbigay ng pera sa akin, pero ‘yung katabi kong pulubi ay kakaunti lang.
Kaya naman napagdesisyunan kong hatian siya sa perang kinita ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Dexter
Sa iyo, Dexter,
Ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na namamalimos ka sa harap ng simbahan ay hindi ka na muli pang makakaranas ng kahirapan at hindi ka na muli pang kakapusin sa pera.
Samantala, ang hinatian mo ang katabi mong pulubi ay senyales na ang tapat mo pang kaibigan ang mismong magtatraydor sa iyo. Pababagsakin ka niya, subalit hindi siya magtatagumpay sa masama niyang binabalak laban sa iyo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments