top of page
Search

Kahulugan ng nag-camping at gumawa ng suka mula sa sabaw ng niyog

BULGAR

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 26, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Donato ng Sorsogon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nag-camping kami na mga kaibigan ko. Ang daming puno ng niyog du’n, hanggang sa naisipan naming gumawa ng suka mula sa sabaw ng niyog na pinitas namin.


Pero, hindi kami natuwa sa suka na ginawa namin, dahil imbes na maging maasim ito, naging mapait ito. At kinabukasan ay umulan, kung kaya’t ‘di ako nag-enjoy sa camping.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Donato


Sa iyo, Donato


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-camping kayo ng mga kaibigan mo, ay mabibigo ka sa pag-ibig, at hindi ka liligaya sa piling ng iyong napupusuan.


Ang maraming puno ng niyog sa lugar na pinuntahan n’yo, kung kaya’t naisipan n’yo na lang gumawa ng suka mula sa sabaw ng niyog, ay nangangahulugang maraming masasakit na salita kang maririnig mula sa mga kaibigan mo. Huwag ka masyadong magtiwala sa kanila at huwag ka ring makipagtalo kung kayo ay may pinag-uusapang mahalagang bagay.


Ang hindi kayo nasiyahan sa sukang ginawa n’yo dahil mapait ito, ay senyales na may posibilidad na masangkot ka sa gulo.


Samantala, ang umulan kinabukasan, hindi ka nag-enjoy sa camping n’yo, ay kabaligtaran ang ipinahihiwatig. Ito ay tanda na magiging maligaya ka sa pag-aasawa.


Magiging masaya ang bubuuin mong pamilya sa piling ng babaeng iyong pakakasalan.


Hindi man ito ang una mong napusuan, siya naman itong itinakda para sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page