top of page
Search
BULGAR

Kahulugan ng langgam at suka

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 21, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lanny ng Batangas.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang daming langgam sa kusina namin, kumuha ako ng suka at binuhos ko ito sa mga langgam, pati tuloy ang kamay ko ay natapunan din ng suka. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko.


Naghihintay,

Lanny


Sa iyo, Lanny,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang daming langgam sa kusina n’yo ay makakaranas ka ng mga nakakainis na pangyayari sa lugar na kung saan ka magsisimulang magtrabaho. Dapat mong tiisin ang mga sagabal kung gusto mong tumagal sa nasabing lugar. 


Ang binuhusan mo ng suka ang mga langgam ay nagpapahiwatig na may mga masasakit kang salita na maririnig at magiging dahilan ito para magtalu-talo kayo ng mga kasamahan mo sa trabaho. Ingatan mong mapikon upang ‘di kayo mag-away-away.

Samantala, ang natapunan ng suka ang kamay mo ay senyales ng pansamantalang kabiguan sa iyong pangarap ngunit malalampasan mo rin ang mga sagabal dahil sa iyong sipag at tiyaga.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page