ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 24, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joy ng Bataan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nakasakay ako sa kotse, nang bigla akong nakarinig ng putok ng kanyon, at kasabay nu’n ay ang pagpapalipad ng mga lobo sa langit.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Joy
Sa iyo, Joy,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakasakay ka sa kotse ay posible kang maghirap. Mas makakabuti kung iiwasan mo muna ang pagbili ng mga mamahaling kagamitan na hindi naman mahalaga, para ‘di na rin maubos ang iyong kabuhayan.
Ang may narinig kang putok ng kanyon ay nagpapahiwatig na mag-aaway kayo ng dyowa mo. Ito rin ay nangangahulugang makakatanggap ka ng balita mula sa kaibigan mo na nagtatrabaho sa abroad.
Samantala, ang lobo ay nangangahulugan na ang inaasahan mong magandang resulta ng pinagkakaabalahan mo ay hindi gaanong magtatagumpay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments