Kahulugan ng iba’t ibang uri ng hayop sa gubat
- BULGAR
- Jun 10, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 10, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Leo ng Zambales.
Dear Maestra,
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na naisipan kong pumunta sa kagubatan na malapit dito sa aming lugar? Maraming iba’t ibang klase ng mga hayop ang nakita ko.
May kaugnayan ba ang panaginip ko sa mga taong nakapaligid sa akin, halimbawa, mga kasamahan ko sa trabaho o ang pamilya ko mismo?
Naghihintay,
Leo
Sa iyo, Leo,
Ang ibig sabihin ng iba’t ibang uri ng mga hayop na nakita mo sa kagubatan ay may kaugnayan sa pang-araw-araw mong gawain sa buhay. Nangangahulugan ito na daranas ka ng paghihirap at pagpapakasakit sa trabaho mo, kung saan marami kang problemang kakaharapin, ngunit sa dakong huli ay malulutas at malalagpasan mo ang anumang hirap na ito.
Gayundin, maaabot mo ang tagumpay at matutupad ang mga pangarap mo sa buhay. Magiging mapayapa, masagana at masaya ang huling bahagi ng iyong buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments