ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 24, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni James ng Roxas City.
Dear Maestra,
Ano ang ibig sabihin ng horse at horseshoe sa panaginip?
Naghihintay,
James
Sa iyo, James,
Kung sa panaginip mo ay nakasakay ka sa puting kabayo, ang ibig sabihin nito ay malapit ka nang ikasal. Puwede rin namang isa sa mga kaibigan mo ay malapit nang ikasal.
Kung sa panaginip mo ay nalaglag ka sa kabayo ito ay senyales na makakaranas ka ng mga hindi kanais-nais na mga pangyayari.
Samantala, ang horseshoe ay nangangahulugan ng pagbabago sa takbo ng negosyo. Hindi sa lahat ng oras ay malaki ang kita, dahil minsan ay sadyang mahina talaga ang pasok ng pera. Ito rin ay nagpapahiwatig na posibleng mabaliktad ang takbo ng kabuhayan mo. Mula sa pagiging mayaman, may posibilidad na maghirap ka.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Nanaginip ako ex ko , una naka upo daw ako sa higaan tapos may baby girl dun ,tapos bigla sya pumasok at nahiga sabi nya ganda ng baby ko mana sa daddy buti hindi sa mommy sabay tingin na naka ngiti skin, ako naman nag tataka e hiwlay na kmi nun maya mya pumasok din anak namin sa kwarto llaki yun tumabi , tataka ako bakit andun yung mag ama at sino yung baby girl e lalaki anak namin, di daw ako maka salita kasi iniisp ko hiwlay na kmi nun bkit andun sya , ano kaya ibig sabihin nun ?