ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | January 16, 2023
KATANUNGAN
Dalawa ang Marriage Line sa aking mga palad, pero may asawa na ako ngayon. Ibig sabihin ba nito, Maestro, ay dalawa ang mapapangasawa ko?
Kung hindi naman, sa palagay n’yo, panghabambuhay na ba ang samahan naming mag-asawa at hindi na ba kami maghihiwalay kahit kailan? Kaya lang, bakit dalawa ang Marriage Line sa aking mga palad?
KASAGUTAN
Hindi ka dapat mag-alala, Micca, dahil kahit sabihin pang dalawa ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a. at 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, hindi sa lahat ng pagkakataon, ang ibig sabihin ng Marriage Line ay pag-aasawa. Bagkus, ginamit lang ang salitang Marriage Line para sa kumbinyenteng usapan, pero ang totoo, ang Marriage Line ay siya ring tinitingnan para sa isang meaningful at long engagement o quality relationship na naranasan ng isang indibidwal.
Ibig sabihin, ang tinatawag na mga relasyon na hindi malilimutan dahil nag-iwan ito ng ‘kilig factor’ sa puso at damdamin ng isang tao, siya ring tinatawag na Marriage Line. Kaya sa mga sandaling ito, alisin mo muna sa iyong isip ang paniniwala na ang Marriage Line sa Palmistry ay tungkol lang sa pag-aasawa.
Kung palaging “asawa” ang nasa isip mo kapag sinabing Marriage Line, at dahil dalawa ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M at 2-M arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad, baka ang mangyari niyan, kahit hindi naman ‘yun ang nakatakda ay magiging dalawa nga ang asawa mo. Ang ibig kong ipaliwanag ay simple lang, ilang beses ka na bang na-in love o umibig nang tapat bago ka nakapag-asawa?
Kung pangalawang long engagement o quality relationship mo na ang mister mo ngayon, dahil may nauna ka pang naging boyfriend bago mo siya napangasawa, tunay ngang hindi na kayo maghihiwalay pa dahil ang unang Marriage Line (1-M arrow a.) na nasa kaliwa at kanan mong palad ay nangyari o tapos na. Kaya nang dumating sa buhay mo ang iyong asawa, siya na ang naging ikalawang meaningful relationship na naging boyfriend mo at tuluyan na ring napangasawa. Siya ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.), na mas mahaba at makapal kaysa sa nauna sa iyong palad, na siya nang lalaki na nakatakda mong makasama habambuhay.
At tulad ng naipaliwanag na, kung siya ang ikalawa na naging boyfriend mo nang seryoso, tiyak na hindi na kayo maghihiwalay pa at may pangako ng maunlad, maligaya at panghabambuhay na pagsasama.
DAPAT GAWIN
Ayon sa iyong mga datos, Micca, tulad ng paulit-ulit na nasabi na, kung pangalawang boyfriend mo ang iyong mister bago pa kayo nagpakasal, walang alinlangan na siya na ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran upang makasama mo sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.
Comments