ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 31, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jennifer ng Candaba, Pampanga.
Dear Maestra,
Madalas kong mapanaginipan ang barko. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Jennifer
Sa iyo, Jennifer,
Kung sa panaginip mo ay may nakita kang barko ito ay nangangahulugan ng paglalakbay. May posibilidad na makapangibang-bansa ka.
Kung ang barko ay luma at hindi na magandang tingnan, ito ay nagpapahiwatig na hindi magiging maganda ang paglalakbay mo. Maraming nakakainis na bagay ang mararanasan mo. Kung may asawa ka na, ito ay senyales na madaragdagan pa ang iyong anak, at muli kang magkakaanak ng lalaki.
Samantala, kung malinaw ang tubig habang sakay ka ng barko, ito ay simbolo ng kasaganahan at magandang pamumuhay. Kung malabo naman ang tubig, ito ay nagbabadya ng masamang kapalaran.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments