ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 11, 2022
Maraming nagulat na nag-number one si Robin Padilla sa senatorial race 2022. Ang dami naming nabasang tweets nitong Lunes nang gabi na nilalait ang aktor. Ano raw ba ang alam ni Robin pagdating sa Senado?
Hindi lang naman ang taumbayan ang nagulat, maski mismong si Robin ay gulat na gulat din. Hindi niya inaasahan na siya ang number 1 dahil nga wala naman siyang TV ads at wala ring masyadong campaign materials dahil nga ang panggastos nila ay iniaasa sa mga kita ng panindang karne ng asawang si Mariel Rodriguez-Padilla at nagtagumpay naman.
Sabi ng aktor sa panayam sa kanya ni Jessica Soho, “Wala po akong inaasahan kahit ano. Unang-una, wala po akong kahit ano. Wala po akong makinarya, wala po akong kahit ano… pera, wala. Hindi ko po inaasahan ito.
“Ang akin lamang po ay paninindigan. Ang akin lamang po ay nananalig po ako sa Panginoong Diyos at tulung-tulong lang po ng mga naniniwala sa akin.
“Tulong ng katipunan, tulong ng mga rebolusyonaryo. 'Yun lang po, wala akong inaasahan.”
Ano ang nagpanalo kay Robin sa laban niya sa pagka-senador?
“Naniniwala po ako na 'yung plataporma ko na charter change, 'yung federalismo, 'yung pagbibigay ng kapangyarihan sa mga lalawigan, bigyan sila ng kalayaan, sila po ay makagawa nang ayon sa kanilang kultura, tradisyon, kapaligiran, du'n po ako naniniwala.
“Hindi po ako nangungumbinse nang dahil kay Robin Padilla. Malabo pong mangyari,” sambit ni Robin.
At sa mga bumoto ay nagpasalamat nang husto si Robin.
“Ako po ay nagpapasalamat sa lahat po ng mga nagtiwala sa atin. Sa lahat po ng lumabas, bumoto para po sa akin, at naging matagumpay po ang eleksiyon na ito. Ang pakiramdam ko po ay masaya, siyempre po, pero mas higit po 'yung responsibilidad na nakaakibat po sa atin sapagkat alam ko naman po, batid ko naman po na itong tagumpay na ito, hindi po ito patungkol kay Robin Padilla kundi tagumpay po ito ng reporma. 'Yun pong ating ipinaliwanag na patungkol po sa pagpapalit ho ng saligang batas, 'yung charter change, 'yun po ang plataporma natin na inihayag sa taumbayan.”
Samantala, naniniwala kami na kahit walang TV ads ang aktor ay malaking tulong na napanood siya sa YouTube channel nina Boy Abunda, Aiko Melendez, Toni Gonzaga-Soriano at ng asawang si Mariel.
Binasa namin isa-isa ang mga komento ng mga bumoto sa aktor.
Mula kay @T.Marioooo, “Sino'ng bumalik dito after Robin was number 1? Now, admit it. HE DESERVED IT.”
Gayundin si @Gemuel Macalinao, “Pagkatapos mo mapanood 'to, magbabago talaga isip ng mga tao kung anong pagkakakilala nila kay Robin. He is well educated sa kung ano talaga 'yung totoong kailangan ng mga tao. Congrats, Senator Robin!”
Sabi naman ni @Junmar Canoy, “Congratulations, Senator Robin Padilla! Hindi nagkamali ang INC sa pagsuporta sa 'yo kahit na ikaw po ay Muslim. Saludo po ako sa 'yo. Sana nga, matupad ang pangarap mong federalismo. susuportahan ka ng maraming Pilipino.”
Sabi naman ni @Link Design, “This is exactly the type of senator we need. People often mock him, but if you listen to what he has to say and witness his deeds toward the "masa," you'll understand why people voted for him.”
Halos maiyak naman si @ann cayetano, “Hindi magiging madali but with hard work and persistence, this goal will hopefully be realized. Grabe, nakakaiyak ang pagmamahal at sinseridad mo po para sa Pilipinas. Mabuhay ka, Senator Robin Padilla.”
At dito nalaman ni @Patricia Galang kung bakit nag-number one ang aktor, “Mr. Robin, I'm sorry and I regret not watching your interview. I’m also one of those people who were shocked on why you are leading number 1 in senatorial votes, and now I understand. Kudos po sa inyo. Mabuhay ang Pilipinas. Sama-sama na tayong babangon lahat.”
Aminado naman si @Mae Jen na pinagtawanan niya si Binoe noon pero nabago ang pananaw niya, “I laughed before, but I watched this and other interviews of him, grabe, I gave my vote to him. His sincerity.”
Naalala naman ni @Louie na Jay pa, “My Pol Sci professor explained Federalism to us before pero mas naintindihan ko ngayon. Thanks Idol Binoe for this. You deserve the number 1 spot in the senatorial race.”
Gayundin ang sabi ni @K, “He is number 1 right now and of course as a typical Filipino, I am also hesitant about him. But I don't wanna judge him based on his being artista. And here I am listening to his side and all I can say is he is very knowledgeable. He knows what he wants and that is change. Very clear, Very straightforward. No hang time on his explanations. I really hope that people will see his intentions very clear and accept it. Federalism is a very good mode of government. It’s like here in the US. Kudos to you, Robin! Looking forward to your years in the Senate.”
Comments