top of page
Search
BULGAR

Kahit walang swab test result... Fully vax travelers, oks na sa Boracay at Puerto Galera

ni Lolet Abania | February 2, 2022



Hindi na kinakailangang magprisinta ng negative RT-PCR test ang mga fully vaccinated travelers kung bibisita sila sa tanyag na tourist destinations gaya ng Boracay at Puerto Galera.


Sa inisyung executive order ni Aklan Governor Florencio Miraflores, nakasaad na pinapayagan na ang mga fully vaccinated tourists na pumasok sa lalawigan kahit walang ipinakitang negative COVID-19 test simula ngayong Miyerkules.


Gayunman, kailangan lamang magprisinta ng mga biyahero ng proof of vaccination gaya ng VaxcertPH, locally-issued vaccination card, World Health Organization International Certificates of Vaccination and Prophylaxis, at vaccination cards o certificates na inisyu abroad.


Para naman sa fully vaccinated na mga turista na patungong Puerto Galera, kailangang magprisinta sila ng isang proof of vaccination at Safe, Swift and Smart Passage (S-PASS).


Sa isang interview ngayong Miyerkules kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, sinabi nitong nasa 100% ng mga tourism workers ang nabakunahan na kontra-COVID-19.


Ayon pa kay Puyat, patuloy ang DOT na nakikipagtulungan sa mga lokal na gobyerno para tiyakin na ang minimum health protocols ay sinusunod ng mga establisimyentong kanilang nasasakop.


“We have to work closely with different LGUs kasi dapat talaga sila ‘yung nag-i-implement ng minimum health safety protocols,” ani Puyat.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page