ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 18, 2024
Dahil ayaw tigilan si Kiko Pangilinan na sinamahan lang naman ang misis niyang si Sharon Cuneta sa pagdalo sa Konsyerto sa Palasyo at kung anu-ano ang ipinupukol sa kanya, minabuti nitong magsalita na sa kanyang Facebook (FB) page.
“I attended the concert in support of the local film industry upon the invitation of Malacañang and to accompany my wife, Sharon, considered by many as one of the pillars of the nation’s film industry.
“We thank Malacañang for supporting Philippine Cinema, just as we support Malacañang’s decision to ban POGOs and its position in defending our sovereignty against Chinese aggression.
“Showing up to support and appreciate the initiatives of Malacañang that we ourselves support and advocate does not mean we have abandoned our principles.”
Maliwanag ang sinabi ni Kiko at walang halong pulitika ang pagpunta niya sa nasabing event. Ang iba, sinasabing dahil malapit na ang midterm elections kaya nagpapabango si Kiko.
Ang importante, successful ang event at suportado na ng gobyerno ang film industry natin sa pangunguna ni First Lady Liza Araneta-Marcos.
Kahit pinatitigil ng mga kapwa nanay, laban pa rin... YASMIEN, NAGPASAKLOLO NA KAY DEPED SEC. ANGARA SA PAMBU-BULLY SA ANAK
Sinabihan pala si Yasmien Kurdi ng nanay ng isa sa mga nang-bully sa anak na si Ayesha ng “back-off,” na ibig sabihin siguro, itigil ni Yasmien ang pag-iingay sa pambu-bully sa anak niya.
Pinusuan pa ng kumare ng nanay na nagsabing mag-back-off si Yasmien ang comment ng nanay ng isa sa mga bully.
Pero, hindi ‘yun ang ginawa ni Yasmien, tuloy ang pagpo-post niya tungkol kay Ayesha at nakatakda na rin siyang makipagkita kay DepEd Secretary Sonny Angara para pag-usapan o isumbong ang pambu-bully sa anak niya ng classmates at schoolmates nito sa isang exclusive school na nasa isang gated subdivision sa Makati City.
Sabi ni Yasmien, “I want to take a moment to express my heartfelt gratitude to each of you who has reached out to share your stories about children facing bullying. Your bravery in opening up means so much to me, and it’s a reminder of the challenges so many families are facing.
“Hearing your experiences has truly touched my heart. I want you to know that your voices are being heard. It’s heartbreaking to think of our little ones struggling, and together, we can make a difference.
“This Thursday, I’ll be meeting with the Secretary of the Department of Education Sonny Angara to discuss potential solutions and strategies we can implement to address bullying in our schools. Your stories will guide this important conversation, and I promise to use my platform to advocate for meaningful change.
“Together, we can shine a light on this issue and empower our kids to stand strong. Let’s fight bullying and protect our children.”
Marami ang humanga kay Yasmien, pero may nangangamba na baka lalong ma-bully si Ayesha. Hindi na siguro mangyayari ‘yun dahil hindi na papayag ang aktres at ang ama ni Ayesha na si Rey Soldevilla, Jr..
Sorry na lang sa mga todo-harang sa aktor…
ALDEN AT KATHRYN, MAGSASAMA ULI SA MOVIE
Isyu sa mga haters ni Alden Richards ang pagla-like ni Min Bernardo sa Instagram (IG) post ng aktor sa suot niyang mismatched pair of socks. Wala pang comment sa lagay na ‘yun ang mom ni Kathryn and yet, binigyan na agad ng ibang meaning.
Maka-Alden daw si Min at hindi ito ang first time na nag-like siya sa post ni Alden. Ibig daw sabihin nito, pabor siya sa Kapuso actor para sa anak na si Kathryn Bernardo.
Hindi ba puwedeng kaya ni-like ni Min ang post ni Alden ay dahil sa binanggit nitong ang bibili ng socks ay mapupunta sa pagpapatayo ng safe spaces for kids sa tulong ng Ronald McDonald House Charities (RMHC) Bahay Bulilit Learning Centers?
Speaking of Alden, sa mga haters ng aktor na ayaw na silang muling magtambal pa ni Kathryn, paano ‘yan, nabanggit ni Atty. Annette Gozon-Valdez na may plano ang GMA Pictures at Star Cinema na next movie ng dalawa at may nabanggit na ngang project?
Wish din ng isang taga-Star Cinema na maulit ang pagtatambal nina Kathryn at Alden, kaya sorry na lang sa ayaw kay Alden kahit leading man lang ni Kathryn.
Samantala, last seven days na lang ng Pulang Araw (PA) at isa sa mga inaabangang eksena ay kung si Eduardo (Alden) ba ang makakapatay kay Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo).
Ayaw mag-spoiler ni Dennis at ang sabi lang, matutuwa ang mga galit sa karakter niya sa ending ni Yuta.