top of page
Search
BULGAR

Kahit strong woman daw… BARBIE, KUMANTANG NAPAPATIKLOP NI JAK

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 8, 2024


Showbiz News

Pitong taon na ang relasyon nina Jak Roberto at Barbie Forteza at ayon sa aktres, hindi siya naniniwala sa tinatawag na “7-year itch.”


Sa panayam ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi niyang napatunayan din naman niya na hindi totoo ang 7-year itch. Meaning, strong pa rin ang relasyon nila ni Jak.


When asked kung paano nila nasu-sustain ang kanilang relasyon, sey ni Barbie, “Ang laking factor po kasi na ang mature mag-handle ng relationship ni Jak.”


Na-tolerate raw ng boyfriend ang ugali niya. May pagka-Alpha (strong and successful woman) raw siya pero napapatiklop daw siya ng isang Jak Roberto.


“So parang pagdating sa relationship namin, napapatiklop ako nu’ng Jak, eh. ‘Di ko alam kung bakit,” natatawa niyang sabi.


Sa tanong naman kung ano ang most challenging sa 7 taon nilang relasyon, ani Barbie ay quality time lalo na nga nang magsimulang maging successful ang love team nila ni David Licauco at naging busy siya.


“Nakaramdam ako ng konting guilt towards him because I have to admit, ‘di naman ‘to parang bago na I had to set him aside kasi nag-pick-up ang BarDa (Barbie at David),” sey ng aktres.


Pero bilib daw siya kay Jak dahil napaka-supportive and understanding nito.


“He was very proud of me, very happy for me. S’ya nga ‘yung laging nagyayayang mag-celebrate, iti-treat n’ya ‘ko ‘pag may bago ‘kong endorsement with David or ‘pag may bago ‘kong show with David. Talagang he sees to it na magse-celebrate kami,” ani Barbie.

‘Kaaliw naman ang sagot niya nang tanungin siya ng host na si Boy Abunda kung magkaibigan sina Jak at David.


“Sabi nila,” sambit ni Barbie sabay-tawa. “Hindi naman sila nag-uusap but I guess, they’re good.”


Papuri pa ni Barbie kay Jak, “Very secure s’ya sa sarili n’ya na he lets his woman shine kahit not with him.”


Natanong din ang aktres kung napag-uusapan na ba nila ang kasal at umamin naman siya.


“Opo,” nakangiti niyang sagot. “Kinikilig nga ako kapag nagse-send s’ya sa ‘kin ng mga parang wedding videos sa Instagram (IG). Kasi parang sabi ko, ‘Ah, okay, so pumapasok sa isip n’ya.’”


Si Barbie ay 26 years old while Jak is 30. Nasa marrying age na rin naman sila talaga.


 

HINDI pa man mag-asawa sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ay nasabi na nilang ayaw nilang magsama sa isang pelikula together. At mukhang ganu’n pa rin ang stand nila hanggang sa ngayon.


Sa panayam ng ABS-CBN sa celebrity couple ay natanong sila tungkol dito at pabirong sagot ni Sarah, “Meron kaming dapat gagawin pero baka sa 2050 namin gawin.”


Dagdag pa niya, “May tamang time sa lahat. Nasa planning stage.”


Ayon pa kay Sarah, okey naman sa kanya ang magbalik-pelikula basta right material.


“As you grow older, you become more choosy and careful with the kind of roles you portray. We are messengers already but given the right material, go ako anytime,” aniya.


Well, matagal nang hinihiling ng AshMatt (Sarah at Matteo) fans na magsama ang mag-asawa sa isang pelikula kaya kung matutuloy ito, tiyak na ikatutuwa ito ng kanilang mga supporters.

0 comments

header.all-comments

empty-state.list-fetch-error
empty-state.list-fetch-error-subtext

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page