top of page
Search
BULGAR

Kahit sina Andrea at Rabiya ang endorsers… IVANA, KINUHA NG JEWELRY BRAND PARA MAGING PINAY BARBIE

ni Ambet Nabus @Let's See | August 10, 2024


Showbiz photo
Photo: Ivana Alawi / IG

Halos three years pala ang inabot ng naging negotiation ng LVNA sa Barbie company bago sila naging partner nito.


High-end jewelry brand ang LVNA by Drake Dustin na ini-endorse ng mga celebrities na sina Andrea Brillantes, Rabiya Mateo at Kylie Verzosa.


Pero this time, si Ivana Alawi ang kanilang collaborator at business partner for Barbie by LVNA (may sarili itong branch sa Cebu City).


Sayang nga lang dahil hindi namin nahintay ang seksing aktres dahil nagkaroon daw ng miscommunication ang organizer sa oras ni Ivana, kaya’t na-late ito.


But just the same, ang kumpanya ni Drake Dustin Ibay ay tunay namang masaya sa pakikipag-partner nila kay Ivana.


Biniro pa nga namin itong sila siguro ang reason kung bakit nag-final babu na sa Batang Quiapo ang Bubbles character ni Ivana dahil magiging si Barbie na siya. Hahaha!


“Ay, hindi po, three years na po kaming may negotiation at naghintay lang talaga kami ng final confirmation and approval from Barbie brand,” sey ni Sir Drake na 3 years din ang nakuhang partnership with the said famous doll brand.


Seven years na sa industriya ang LVNA at asahan daw nating may mga pasabog sila sa taong ito by getting more celebrity endorsers and yes, by having KEN, ang male counterpart ni Barbie.


Hmmm... bukod kay Ivana, feel naming bagay din kay Andrea Brillantes ang matawag na Barbie. Pero curious kami sa kung sino'ng lalaking celeb ang mapipili nilang Ken. 

Abangan!


 

“SEE the difference?” ang bonggang reaksiyon ng maraming netizens na naka-witness sa pag-handle ng Eat… Bulaga!, particularly nina Bossing Vic Sotto at Miles Ocampo, sa nag-viral na male contestant ng Peraphy portion, kung saan makikitang tila sinumpong (sabi ng kanyang kasama) ang lalaki at pinuntahan nga nito si SQ Anne na may hawak na card. 


Sa aktong tila yayapos ito, maagap na nasaklolohan nina Bossing Vic at Miles at na-address ang sitwasyon nang walang paghuhusga o negatibong nangyari.


Inatake pala ng ‘anxiety’ ang lalaki na napag-alamang may kondisyon nga kapag sobrang ninenerbiyos o nae-excite.


Marami ang pumuri sa show sa paraan nila ng pag-handle ng ganu’ng sitwasyon. Kalma lang si SQ Anne na hindi naman sumigaw na na-violate ang kanyang pagkababae. 


Maliksi at mahusay namang naitawid ni Miles ang daloy ng programa habang maagap na natawag ni Bossing Vic ang floor director at ibang mga staff ng show at ipinadala sa medic ng TV5 ang lalaki.


“What a pro, kitang-kita ang diperensiya sa pagiging sanay at bihasa sa mga ganu’ng kritikal na kondisyon. Kung sa ibang show ‘yan, naku po, ‘yung nega agad ang makikita at paiiralin ang pagiging judgmental at mga anik-anik na usapin sa human rights, violation of women, etc. Kudos sa Eat… Bulaga!,” sigaw pa ng isang netizen.


 

Ngayong Sabado, August 10, ay pasisinayaan ni Queenstar for All Seasons Vilma Santos-Recto ang Vilma Night sa Archivo 1984 Gallery sa Makati City.


Sa pamumuno ng mga curators na sina Erwin Romulo at Jerome Gomez, makikita sa gallery ang mga memorabilia, posters at ephemera ng mga movies at iba pang naging activities ni Ate Vi sa showbiz sa loob ng anim (6) na dekada.


Naka-display sa naturang gallery ang mga naging iconic roles ni Ate Vi gaya ng Darna, Dyesebel, Wonder Vi hanggang sa mga critically-acclaimed roles niya gaya ng Sister Stella L., Relasyon, Dekada ‘70, Burlesk Queen at iba pa.


Ang pamangkin ng yumaong si Ate Luds o Inday Badiday na si Dr. Juan Martin Magsanoc (anak ni Tita Letty Magsanoc, dating PDI editor-in-chief) ang founder ng Archivo 1984. Bago pa man siya naging doktor ay mahilig na siya sa pagkolekta ng mga souvenirs from movies o may kinalaman sa entertainment industry.


And today nga, ang ating Queenstar Vilma Santos at mga nagawa nitong nasa mahigit 200 movies ang featured artist sa naturang gallery.


Personal itong pupuntahan ni Ate Vi na sobrang elated sa matatawag na parangal na ito. Imagine, six decades ang lalakbayin ng mga photos, memorabilia, etc. kaya’t talagang blast from the past ang happening na ito.


Tiyak magpapabonggahan ang mga Vilmanians sa pag-reminisce at pag-act out ng mga favorite movies nila ni Vilma Santos-Recto.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page