top of page
Search

Kahit sablay sa Ingles… HIPON GIRL, NEVER SAY DIE SA BEAUTY PAGEANT HANGGA'T 'DI NAKUKUHA ANG KORONA

BULGAR

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 27, 2022



Desidido na ang manager ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino na isabak siyang muli sa malalaking beauty pageants.


Kahit nanalo na si Hipon Girl as First Runner-Up sa Bb. Pilipinas 2022, alam ni Wilbert na may chance pa ang alaga na manalo sa iba pang beauty pageants tulad ni Pia Wurtzbach na ilang beses sumubok sa iba't ibang beauty contests hanggang sa nanalong Ms. Universe.


Hindi basta-basta sumuko si Pia hangga't hindi niya nakukuha ang titulo at korona. At 'yun ang gustong mangyari ni Wilbert. Alam niyang may mas igagaling pa si Herlene kahit na nga setback niya ang sablay na pagsasalita ng English.


Kinakitaan ni Wilbert ng kakaibang karisma at self-confidence si Herlene Budol. Malaking tulong din ang positive outlook nito sa buhay.


Ganunpaman, ang alam namin ay sa Bb. Pilipinas lang ang gusto ni Hipon Girl. Masaya na siya sa puwestong nakuha bilang First Runner-Up. Nagbago na rin kaya siya ng desisyon?


0 comments

Комментарии


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page