ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Oct. 18, 2024
Photo: It’s Showtime / Instagram
Sa darating na October 21, umpisa na ng week-long Magpasikat 2024 sa lahat ng bumubuo ng It’s Showtime (IS) family na pinangungunahan ng Unkabogable Superstar na si Vice Ganda at nina Vhong Navarro, Anne Curtis, Karylle, Jugs and Teddy, Darren Espanto, Ogie Alcasid atbp..
Dahil sa nalalapit nang pagpapakita ng kanilang production number (na binubuo ng limang grupo), excited na ang singer-songwriter at IS host na si Ogie sa Magpasikat 2024.
Ang Magpasikat ang pinaka-highlight ng anibersaryo ng noontime show tuwing buwan ng Oktubre.
Ito rin ang pinakaaabangang showdown ngayong ika-15 anibersaryo ng Kapuso noontime show.
Ang team ni Ogie ay kinabibilangan nina Kim Chiu, MC at Lassy.
Sa launching ni Ogie ng bago niyang endorsement, inusisa ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa paghahanda nila para sa kanilang Magpasikat number.
Aniya, “Okey naman. Kahapon, hindi ako naka-rehearse kasi may sakit ako kahapon.
“Nu’ng last rehearsal namin, I think it was Saturday or Friday, we were very happy.” Naitanong sa OPM icon kung kabisado na nila ang inihandang pasikat number?
Sey nito, “Hindi pa. Getting there, getting there. Alam n’yo naman sa ‘min, ang daming parinigan, ‘pag magkakasama kami.
“And it’s... ang ganda, ang ganda ng spirit of competitiveness, spirit of everybody trying to outdo each other. At the end of the day, siyempre, isang pamilya kami.
“So, it brings out the best in us. Kaya ako, I’m very, very excited.”
Sinabi pa ni Ogie na pasikreto ang kanilang ginagawang rehearsals. Inamin niyang nagtataguan sila during rehearsals, “Oh, yeah, even rehearsals.”
Sa taunang Magpasikat, mas natututo raw silang mag-express ng kanilang nais iparating sa madlang pipol.
Dagdag niya, “Ako personally, ang experience ko every time, most especially this year, is that natututo ako. Natututo ako as a performer, on how I can even express the art more.
“In a way, that’s exciting. In a way, na hindi puchu-puchu lang.”
At sumasabay daw siya sa mas bata sa kanya.
Aniya, “Iba ‘yung utak nila, iba ‘yung energy nila. Ang sarap sa pakiramdam as a performer, as a host. Although napakahirap, getting... ang mahal, getting support.”
Rebelasyon pa ni Ogie, sila ang bahala sa lahat, sa konsepto, gastos, hitsura ng stage, at kung anu-ano pa sa kanilang nakatokang performance.
“Para kang nasa college, alam mo ‘yun? Nandu’n ‘yung resourcefulness, nandu’n ‘yung networking,” pahayag ni Ogie Alcasid.
Comments