top of page
Search
BULGAR

Kahit puwede nang lumabas... Mga bata sa parke, lilimitahan pa rin


ni Lolet Abania | July 11, 2021



Bumuo ang Metro Manila Council (MMC) ng isang resolusyon na naglalaman ng mga guidelines para sa pagpapahintulot sa mga bata na nasa edad 5 at pataas sa maaari nilang puntahan na mga open areas.


Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, Jr. sa ginanap na pulong ng MMC ngayong Linggo, napagkasunduan ng mga mayors na gumawa ng isang resolusyon na naglalaman ng listahan ng mga open spaces kung saan papayagang puntahan o pasyalan ng mga bata.


“What we are going to do, we will list down parks and open areas in Metro Manila these coming days [to guide] Metro Manilans on where to go,” ani Abalos sa isang phone interview ngayong araw.


Sinabi ni Abalos na nakapaloob din sa resolusyon ang pagkakaroon ng limitadong bilang ng mga indibidwal sa isang open area upang maiwasan ang overcrowding o pagsisiksikan.


“It would be a resolution na parang guide lang naman (a sort of a guide) for local government units. What's important is to prevent overcrowding,” dagdag ni Abalos. Gayundin, nakasaad sa resolusyon ang pagpapatupad ng minimum public health standards sa mga parke at iba pang open areas.


Ipinunto rin ni Abalos na kumonsulta na sila sa mga health experts para sa pagpapatupad ng ibinabang bagong polisiya ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga bata. “This came from health experts. Ibig sabihin, talagang masusing pinag-aralan kung open space, ang level ng infection, hindi ganu’n kagrabe. This will be for social, mental, physical, and health of children,” sabi pa ng opisyal.


Samantala, ayon kay Abalos, ang nabuong resolusyon hinggil sa mga guidelines sa naturang polisiya ay ilalabas nila ngayong darating na linggo.


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page