top of page
Search

Kahit pangulo na ng samahan ng mga misis ng mga senador… HEART, TULOY SA PAGRAMPA AT ENDORSEMENTS PARA KUMITA

BULGAR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 7, 2024



Showbiz Photo

Matapos manumpa bilang pangulo ng Senate Spouses Foundation, Inc., inilatag na ni Heart Evangelista ang mga projects na kanilang gagawin. 


Prayoridad ng SSFI ang kapakanan ng mga kababaihan at ng mga bata. Bibisita sila sa mga children's ward ng mga hospitals at magbibigay ng kaukulang tulong. 


Aasahan ni Heart ang tulong at pakikiisa ng mga senators' wives para sa mga projects ng foundation. 


May ilan naman ang nagtatanong kung mapapahinga muna ba si Heart sa kanyang pagrampa sa Paris at New York ngayong may malaking responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat?


Well, sey ni Heart ay nasa time management naman ang lahat na kaya niyang ayusin ang kanyang schedule upang hindi magkaroon ng conflict. Kailangan naman niyang kumita to pay her bills, kaya tuloy pa rin siya sa pagtanggap ng mga endorsements.


 

Dumami ang inggit nang sumikat… 

DIWATA, BINANTAANG PAPATAYIN, TODO-INGAT 


File photo

Pasado kay Chef Boy Logro ang lasa ng Pares Overload ni Diwata. Nasarapan ang veteran chef na tulad din ni Marvin Agustin na bumisita sa paresan ni Diwata. 


Patunay lang ito na pasado sa mga chef ang timpla ng Pares Overload na patuloy na dinarayo at dinudumog sa kabila ng mga panlalait ng mga bashers. 


Sey pa ni Chef Boy, may ituturo siyang sikreto kay Diwata upang makagawa pa ng ibang recipes bukod sa pares at 'siken joy' (fried chicken) at posibleng mag-collab sila ni Diwata. 


Mukhang back in circulation na ulit ngayon si Chef Boy na nawala pansamantala noong kasagsagan ng COVID pandemic. May mga shows noon si Chef Boy sa GMA-7, kaya nagkaroon siya ng mga endorsements. 


Samantala, sa latest post ni Diwata ay sinabi niyang may mga banta sa kanyang buhay, kaya sobrang nag-iingat siya ngayon. Hindi niya alam kung bakit marami ang nagagalit at naiinggit sa kanya, ganu’ng wala naman siyang inaagrabyado at sinisiraan.

0 comments

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page