top of page
Search

Kahit pa sumama sa no. 2… Ex-live-in partner, babalik at babalik pa rin

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | August 14, 2024



Dear Maestro,


Magta-tatlong buwan na mula nang iwan ako ng ka-live-in ko at sumama siya sa ibang babae. Hindi siya nagsusustento sa amin, kaya ngayon ay wala na akong pambili ng gatas sa anak naming mag-iisang taon pa lang. Kaya sana, kahit five-digit lang ay manalo ako sa lotto.


Sa ngayon, tadtad na rin ako ng utang sa tindahan at ayaw na akong pautangin. Sana ay matulungan n’yo ako at gusto ko ring malaman kung magkakabalikan pa kaya kami ng naka-live-in ko? 


Ang birthday niya ay July 10, 1989, habang November 8, 1995 naman ang birthday ko. Kung hindi na kami muling magkakabalikan, makakahanap pa kaya ako ng lalaking tapat at hindi na ako lolokohin?  

Umaasa,

Khea ng  San Carlos, Aliaga, Nueva Ecija   


 

Dear Khea,


Ang zodiac sign mong Scorpio at Cancer naman ang ex-live-in partner mo ay kapwa pinaghaharian ng elementong tubig o water.


Ibig sabihin, sa pag-aanalisang Western Astrology, tunay ngang tugma at compatible kayo, habang sa Numerology naman, ang birth date mong 8 at 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1) naman sa ex mo ay maaari talagang magkakahiwalay dahil ‘yun ang pangkaraniwang nagaganap sa magkarelasyon na may parehong strong number tulad mo at ng dating ka-live-in mo. 


Subalit ang mabuting balita, kahit magkahiwalay ang nasabing numerong 1 at 8, kung minsan ay dumarating din ang takdang panahong inilaan ng kapalaran na nagkakabalikan sila, lalo pa kung iisiping tugma at compatible naman ang zodiac sign mong Scorpio sa zodiac sign niyang Cancer.


Samantala, bukod sa sarili mong number na 8, mapalad ka rin sa lahat ng numero na may sumatotal na 4 at 1 tulad ng 13, 22, 31, 40, 10, 19, 28, 37, at iba pang kauri nito, ganundin ang lahat ng numero na may sumatotal na 7, tulad ng 16, 25, 34, 43 at iba pang kauri nito. Puwede mo ring subukan ang 4, 13, 25, 34, 40 at 44, ganundin ang 2, 17, 25, 31, 25 at 40. Okey din ang 1, 10, 23, 27, 34, at 40, gayundin ang 1, 19, 24, 31, 35, at 41.


Ayon sa inyong Love Calendar, nakatakda kayong magkabalikan ng ex-live-in partner mo sa susunod na taon, bago sumapit ang edad mong 30 pataas, maaaring sa buwan ng Setyembre o Oktubre.


Kaya kung tutuusin, isang taon na lang ang hihintayin mo dahil tiyak ang magaganap – muling babalik sa inyo ang nangaliwa na ex-live-in partner mo, upang muling mabuo ang inyong pamilya. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page