top of page
Search
BULGAR

Kahit pa nasa alert level 4…Ilang pasyalan sa Maynila, bukas na

ni Jasmin Joy Evangelista | September 16, 2021



Muling magbubukas ang ilang pasyalan sa Maynila gaya ng Intramuros at Luneta Park, sa kabila ng pagsasailalim sa Metro Manila sa alert level 4.


Papayagan na rin ang pamamasyal ng mga taga-NCR patungo sa mga tourist destination kahit pa sa labas ng rehiyon.


"Puwede nang pumunta as long as yung lugar ay naka-GCQ o MCQ or pumapayag yung LGU na tumanggap ng turista, puwede na," paliwanag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.


“As of now ang puwede ay Boracay, El Nido... Ang maganda dito ay i-check nila yung LGU, kasi pabago-bago rin sila. In the case of Baguio, nag-announce si Mayor Magalong na no leisure travel kahit galing saang lugar up to the 19th”, dagdag niya.


Nagpaalala rin si Puyat na mula 18 hanggang 65-anyos lamang ang pinapayagang lumabas.


Bawal din muna ang mga indoor museum at ang staycation sa ilalim ng alert level 4.


Samantala, magbubukas ang Rizal Park simula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-9 ng umaga at ang papayagan lang muna ay hanggang 500 bisita.


Mas kaunti naman ang papayagang turista sa loob ng mga pasyalan sa Intramuros na hanggang 150 tao lang.

0 comments

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page