top of page
Search
BULGAR

Kahit obyus na Kakampink… MARIAN AT DINGDONG, BAWAL MAG-ENDORSO NG PULITIKO

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 27, 2022



Palapit na nang palapit ang eleksiyon kaya marami na ang pumupuna sa mga celebrities na nag-eendorso ng mga kandidato sa May 9 national elections, tulad na lang ni Angel Locsin.


Ipinost ni Angel sa kanyang socmed account ang komento ng isang netizen hinggil sa pagsuporta niya kay VP Leni Robredo na tumatakbong presidente.


Ayon sa basher, "Mars @143redangel Save the nation, not the station."


Sumagot naman si Angel ng "May prangkisa o wala, kay VP Leni ako :). Mahal pa rin kita, ate:)."


Hindi naman maiwasang magkaroon ng iba't ibang opinyon ang mga netizens at komento nila…


"Your conviction, your choice, your vote."


"Hindi ako maka-Leni pero kakasuya ganito ng mga tao. Susme!"


May kahulugan naman ang komento ng isang ito at tinawag pang ate ang aktres, "Go, go, go, Ate Angel, one of the stockholders ng ABS."


Kaya may nagtanong, "And your point is?"


May sumagot, "Na baka may agenda si Angel?"


Sey naman ng isang empleyado ng network, "FYI, bago pa magka-issue ang ABS-CBN, nabenta na ang stocks ni Angel na napakaliit lang at nai-donate sa mga employees, pinaghatian. At yes, isa ako sa mga nabigyan."


Hindi um-agree ang isang netizen sa reply ni Angel.


"Cringe naman 'yung may prangkisa o wala. Puwede ba?"


Depensa ng isa, "Kung may agenda si Angel, dapat tumakbo nang senador 'yan."


"Jusko, mas malaki pa ang nai-donate ni Angel kesa d'yan sa stocks na 'yan. Mga Pinoy talaga, basta na lang ngawa nang ngawa, mga ignorante naman ang karamihan."


Dahil napunta na ang diskusyon ng mga netizens sa pagpapasara sa ABS, naglabas na sila ng kani-kanilang opinyon.


"Kaya mga celebrities ang boboto kay Leni dahil gusto nilang magkaroon ulit ng prangkisa ang ABS. 'Yun ang pinaka-dahilan ng iba kaya nakasuporta sila kay Leni."


"It makes sense kasi company nila 'yan. Kung ikaw ba, mapasara ang kumpanya mo na pinagtatrabahuhan mo nang ilang taon at bumuhay sa pamilya mo, 'di mo ba nanaisin na mabalik 'to? Ganu'n naman talaga. Let’s admit it, ang daming na-displace na mga artista ng ABS. Left alone 'yung mga crew & staff when the station closed. In fact, ang daming hanggang ngayon ay 'di nakahanap ng malipatan. Masuwerte na 'yung iba na kinuha ng ibang istasyon, papa'no naman 'yung mga hindi?


"So, mabe-blame ba natin sila if ganu'n ang rason nila bakit sila boboto kay Leni? Practical lang sila. May mga ka-FB nga ako na boboto sa kabila kasi pinangakuan ng gold. Mas malala 'yun."


"Ano'ng problema kung maibalik ang franchise? May mamamatay ba?" sagot ng isa pa.


May kumuwestiyon naman sa user ID ni Angel kaya ipinaliwanag ng isang netizen ang meaning ng @143redangel.


"EXCUSE ME 143redangel, 143 is ang hotline number ng red cross! Redangel because Angel is a volunteer of Red Cross! Dekada na! Mahiya naman kayo. I'm also a volunteer ng Red Cross."


Ang mga nananahimik na GMA-7 celebrities ay ibinulgar naman ng isang netizen na si VP Leni rin daw ang sinusuportahan.


"Camille Prats, K Brosas (TV5), Bea Binene, Carla Abellana, wala namang mapapala 'yan kung may franchise or wala ang ABS-CBN, eh, advantage nga sa kanila lalo na sa mga taga-GMA-7, pero they still support for free. Sure ako, majority of GMA-7 artists, especially their journalists, kay VP Leni 'yan.


"May mga Kapuso pa na proud Kakampinks like Chynna, Kokoy, Mikoy, Tuesday, Pokwang, Kris Bernal. Tingin ko, Kakampinks din sina DongYan (Dingdong & Marian), Bea Alonzo, Glaiza etc. kaso bawal silang mag-endorse kasi part sila ng Election 2022 campaign ng GMA News."


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page