top of page
Search
BULGAR

Kahit nali-link siya kay Atong Ang… GRETCHEN, PROUD NA 30 YRS. NA SILA NI TONY BOY, STRONG PA RIN

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 19, 2024



Showbiz Photo

Kung gugustuhin lang ni Gretchen Barretto ay puwedeng-puwede pa siyang bumalik sa kanyang acting career dahil sikat pa rin siya at marami ang nagkakainteres na muli siyang mapanood sa telebisyon at pelikula.


Marami ring nag-offer ng mga endorsements kay Greta, pero ayaw nga siyang payagan ng kanyang karelasyon na si Tony Boy Cojuangco, sa halip ay binigyan siya ng mga negosyo upang may pagkaabalahan. 


Well, masaya naman ang buhay ngayon ni Greta. Marami siyang natutulungan, lalo na ang mga tao sa showbiz, pero hindi niya inilalantad sa publiko.


Marami ang naiinggit sa suwerteng dumapo kay Gretchen, kaya simula pa lang ng relasyon nila ng billionaire businessman na si Anthony “Tony Boy” Cojuangco ay hindi na sila tinigilan ng mga chismis at intriga. Ang dami-daming kuwento na ipinaiikot na ang layunin ay paghiwalayin silang dalawa. 


Sa kabila ng mga paninira at kontrobersiyal na kinasangkutan ni Greta ay hindi siya iniwan ni Tony Boy. Tinatawanan at ipinagkikibit-balikat na lang ni Gretchen ang mga tsismis sa kanila ngayon ni Atong Ang. Ang mahalaga ay malaki ang tiwala sa kanya ni Tony Boy.


Paliwanag ni Gretchen, kaya sila ni Atong Ang ang madalas na magkasama ay dahil siya ang ginawang representative ni Tony Boy sa kanyang mga business meetings na hindi madaluhan. Si Greta ang nakikipag-deal sa ibang business partners ni Tony Boy tulad ni Atong Ang. 


Sey din niya na 30 years na ang relasyon nila ni Tony Boy at hindi sila mabuwag ng mga bashers. Aware si Greta na may ilang grupo na ang main objective ay paghiwalayin sila ni Tony Boy pero hindi sila nagtagumpay. 


Ang tanging ayaw lang ni Tony Boy ay balikan niya ang kanyang showbiz career. Ang puwede lang ay kung may mga product endorsements si Gretchen.


 

So, hindi pa pala sigurado kung seryoso si Bimby Aquino sa kanyang pagpasok sa showbiz? Matapos magbakasyon ng ilang linggo sa ‘Pinas, muling bumalik sa Orange County, California sa USA si Bimby kasama ang kanyang Kuya Josh upang makapiling ang kanilang mom na si Kris Aquino. 


Hindi rin pala matitiis ni Bimby na malayo siya nang matagal sa kanyang Mommy Krissy.  Although planado na ang lahat para sa showbiz career ni Bimby sa ‘Pinas, ayaw ni Kris na hindi buo ang puso ni Bimby sa kanyang pag-aartista. 


Well, 17 years old pa lang si Bimby at maaari pang magbago ang kanyang desisyon. Ang kalusugan at tuluyang paggaling ng kanilang mom ang prayoridad nina Bimby at Josh Aquino.


 

HINDI na itinatago ni Kylie Padilla ang estado ng kanyang love life ngayon, isang non-showbiz guy ang nagpapasaya sa kanyang puso. 

‘Yun nga lang, hindi na niya ipino-post sa social media ang kanilang mga larawan upang hindi pagpiyestahan ng mga Marites. 


Well, tuluyan nang naka-move on si Kylie sa hiwalayan nila ng kanyang mister na si Aljur Abrenica. Tanggap na rin niya na si AJ Raval ang ipinalit sa kanya ni Aljur. 

Okey din ang setup nilang co-parenting sa kanyang dalawang anak. Nahihiram ni Aljur ang mga ito kapag gusto niyang maka-bonding.


Samantala, wala nang bitterness si Kylie sa kabiguan niya sa pag-ibig. May life lesson naman siyang natutunan at nakatulong ‘yun upang mas tumatag pa ang kanyang pagkatao. 


Masaya si Kylie sa kanyang pagiging single mom. Ang dalawa niyang anak ang nagsisilbi niyang inspirasyon. Mas nagsisikap siya ngayon sa kanyang career para sa future ng kanyang mga anak. 


Thankful si Kylie na may mga TV guestings siya ngayon habang hinihintay ang pagsisimula niya sa Encantadia: Sangre Chronicles. 


Papasok si Kylie Padilla sa Asawa ng Asawa Ko bilang unang asawa ni Leonardo (Joem Bascon).

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page