ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 11, 2020
Naglabas ng hinaing sa pamahalaan ang ilang Kapamilya stars dahil sa naganap na pagbasura ng Kongreso sa prangkisa ABS-CBN Network. Kasabay nito ay umingay din ang hashtag na “#OustDuterteNow” sa social media.
Kaugnay nito, tahasang ipinagsigawan ng aktres na si Gretchen Barretto, na ilang beses ding napanood sa ABS-CBN, ang kanyang suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya sa Instagram post kalakip ang screenshot ng Twitter post na gumagamit ng kanyang larawan at pangalan, “This is a FAKE Twitter ACCOUNT! I DO NOT HAVE A TWITTER ACCOUNT. I AM PRO DUTERTE.”
Mababasa kasing naki-“#OustDuterteNow” ang naturang Twitter user at kasunod nito ay ang tweet na “Remember these 11 brave congressmen who truly represents the people. We will never forget. You will have our support #Halalan2022.
“And the 71 pigs who voted YES to ABS CBN DENIAL, your day will come.”
Pinabulaanan din ni Gretchen ang naturang tweet at aniya, “THIS IS A FAKE TWITTER ACCOUNT!!! I Have Not made a single statement regarding congress & ABS-CBN.”
Comments