ni Beth Gelena @Bulgary | Jan. 11, 2025
Photo: Rufa Me Quinto - News5, Circulated
Natuloy ang hearing nina Rufa Mae Quinto pagkatapos niyang makapagpiyansa sa korte.
Kinasuhan ang comedienne-actress ng 14 counts of violation of Section 8 of the Securities Regulation Code in relation to the cases filed by investors against skincare company Dermacare.
Base sa report, lahat ng cases ay bailable at P126,000 thousand each, kaya umabot ito lahat-lahat sa P1.7 million.
Ayon sa kanyang abogado, biktima lang umano ang kanyang kliyente (Rufa Mae), pointing out that the skincare company still owes her payment for endorsing their products.
Sa kabila ng nangyayari kay Rufa Mae, nananatili pa rin siyang masayahin at walang mababanaag sa kanyang mukha na siya ay nababahala.
Pero, after ng kanilang hearing ay bumigay din si Rufa Mae. Naging emosyonal na siya nang mainterbyu ng press people.
Bumuhos naman ang suporta mula sa mga netizens, na nagpaabot ng kanilang pagmamahal at panalangin para sa aktres.
“Surrendering yourself means your willingness to cooperate. Praying for right resolutions and you’ll get through these challenges so that you could go, go, go to the highest level in your life. Take care, Peachy,” komento ng isang netizen.
“Fight lang, Rufa Mae. You’re one strong woman!”
“I love you always, Ms. Rufa Mae Quinto Magallanes. I believe you will go through this, kaya mo ‘yan. May God bless and protect you always!”
TSINUGI na rin ang karakter ni Irma Adlawan bilang Olga/Beng sa Batang Quiapo (BQ).
Sa pagkatigok ni Irma ay marami ang natuwa. Feeling daw kasi ng mga avid viewers ay
OA si Irma bilang isa sa mga kontrabida ni Tanggol (Coco Martin) sa BQ.
Pansin pa nga raw nila ay nananapaw at mahilig umagaw-eksena ang aktres. Wala naman na raw siyang dapat patunayan na isa siyang mahusay at de-kalibreng aktres sa industriya, pero nawalan umano ng gana ang mga manonood kapag na kay Olga na ang moments ng eksena.
Isang taon din ang itinagal ng karakter ni Irma sa BQ.
Ngayong tapos na ang kanyang role, tanong ng mga netizens, sino naman daw kaya ang bebenggahin ni Tanggol — si McCoy de Leon a.k.a. David na nagpapanggap na
Tanggol sa pamilya ni Ramon (Christopher de Leon) o si Rigor (John Estrada)?
Napag-alaman na kasi ni Tanggol na hindi siya tunay na anak ni Rigor.
SA bagong Instagram (IG) post ni Jericho Rosales ay ipinakita niyang ginagawan siya ng maskara para sa kanyang transformation.
Aniya, “I cannot believe it, finally have one of those transformation time-lapse videos. Hehe! Can’t wait to share who I'll be playing for this exciting new film!!!”
Habang ginagawan siya ng maskara, may nagkomentong netizen, “What if biglang lumindol at need mag-evacuate?”
“I thought about that, actually,” sagot ni Echo.
Ang nasa isip ng ibang commenters sa bagong project na gagawin ng Asian actor, “I thought you’re cosplaying Thanos in Squid Game.”
“Shocks, I was holding my breath while watching this.”
“Hahaha! That was something to remember,” reply ng aktor.
“Hahaha! That’s cray cray (crazy) please monitor your oxygen level,” paalala naman ng isang nagkomento dahil sa dalawang butas lang ng ilong humihinga si Echo.
Tanong ng isang netizen, “Wow! How does it feel?”
“I was freaking out,” sagot ni Echo.
Wish ng mga fans nina Echo at Janine Gutierrez, “Sana, kayo na talaga ni Janine.”
Pasalamat naman ng faney kay Janine, “Thank you @janinegutierrez and punchy for being his biggest support system. Only fans na nag-screen record and slow mo (motion) will understand this.”
Komento pa ng ibang faney:
“I remembered nabasa ko po noon in the articles 2001, you have fear of losing your eyesight. Fear of blindness. You’re so brave that you conquered your fear in this video. Your passion, your craft in your acting career. I must say super amazing ka talaga.”
“Claustrophobic people can’t handle this.”
“It was not easy,” ani Echo.
“‘Ube Man’ ba title ng new movie?” tanong ng isang netizen dahil violet ang kulay ng mascara.
Commentaires