top of page
Search
BULGAR

Kahit nagkaroon na ng lamat… Bebot, sa ex-BF pa rin babagsak

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | Nov. 12, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Maestro, magkakabalikan pa ba kami ng ex-boyfriend ko? Naghiwalay kami dahil pinipilit niyang makuha ang pagkababae ko. Mula nang tumanggi ako, ru’n na siya nag-umpisang magtampo at hindi magparamdam sa akin.  

  2. Kung sakali namang hindi na kami magkabalikan, may iba pa kayang lalaki na darating sa aking buhay na tulad din ng ex ko na mabait at may matatag na trabaho? Wala naman sana kasing problema eh, ‘yun nga lang ay nagpupumilit siyang makuha ang pagkababae ko, samantalang hindi pa naman ako ready para sa mga ganu’ng bagay.


KASAGUTAN

  1. Isa lang ang malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit magtampo pa ang ex-boyfriend mong mahilig, tunay ngang sa bandang huli, mare-realize rin niya ang kanyang pagkakamali.

  2. Sa sandaling mangyari iyon, tiyak ang magaganap, – hihingi rin siya ng sorry sa iyo para muling makipagbalikan at dahil mahal mo naman talaga ang nasabing lalaki, patatawarin mo agad siya, upang muling mabuo ang isang masaya at matimyas na relasyon, na sa dakong huli, hindi mo ring maiiwasang isuko sa kanya ang iyong pagkababae, kahit na hindi pa kayo kasal.

  3. Matapos ang isa hanggang dalawang taon, habang nagsasama kayo sa paulit-ulit na sarap at ligaya, nakatakda rin naman kayong ikasal upang maging isang ganap na mag-asawa hanggang sa makabuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang ayon sa iyong mga datos, Criselda, tama lang na tanggihan mo ang iyong boyfriend, lalo na kung hindi ka pa talaga handa at hangga’t hindi pa kayo nagpapakasal. 

  2. Pero ayon sa iyong mga datos, darating at darating ang saktong panahong bibigay mo rin sa boyfriend mo ang kanyang hinihingi, – ibibigay mo rin sa kanya ang iyong pagkababae. 

  3. Matapos ang isa hanggang dalawang taon, ang inyong relasyon ay mauuwi rin sa pagpapakasal at pag-aasawa, hanggang sa tuluyan na ring mabuo ang isang maligaya at panghabambuhay na pamilya, (Drawing A. at B. h-h arrow b.).



Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page