top of page
Search
BULGAR

Kahit nagkahiwalay sila ni Romnick... HARLENE, 'DI PA RIN NADADALA SA KASAL, GAME ULI!

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 21, 2020




Banaag sa mukha ni Harlene Bautista ang saya at panibagong kilig nu'ng makapanayam namin ni Ateng Janice Navida para sa #CelebrityBTS Bulgaran Na, ang live weekend online show sa Facebook page ng Bulgar tuwing Saturday at 11 AM.


When we asked her kung kumusta ang puso niya nitong nagdaang anim na buwan na quarantine, walang kaarte-arte niyang inamin na okey na okey daw.


"Very happy with my children, and with my... ano ba ang tawag ko sa kanya? SO, Significant Other, oh, ha?" sabay tawa ni Harlene.


Ang tinutukoy niyang bagong karelasyon niya ngayon ay walang iba kundi ang anak ni Kuya Germs o German Moreno (RIP) na si Federico Moreno.


Ang term of endearment daw nila ay... "Tawag niya sa akin, gaya rin ng tawag sa akin ng family ko, my close friends, Bebs. Tapos siya, Fred, ganu'n."


Nag-celebrate na sina Harlene at Fred (palayaw ni Federico) ng kanilang first monthsary last September 5 na ipinost niya sa kanyang socmed account.


"Nakakagulat nga, eh, one month na pala ang nakalipas. Hahaha! Ganu'n naman talaga kapag in love, ang sarap ng feeling na i-share sa lahat ng tao ang happiness. And, kaya paminsan-minsan, magpo-post because you're happy like ako, ako na lang ang magsasalita for myself. I want everyone to know that I'm happy. That I'm proud to be with someone I love who loves me so much. So, ganyan."


Matagal na raw silang magkakilala ni Fred dahil barkada ito ng kanyang Kuya Hero Bautista. High school pa lang ay magkasama na sina Hero at Fred, hanggang sa may pa-dinner si Hero at nagkatsikahan na sila ni Fred.


"After nu'n, regular na kaming nagko-communicate sa Viber, sa Messenger, text, calls, ganyan. So, 'yun lang."


Mabait, sobrang sweet at thoughtful ang mga ugali raw ni Fred na nagustuhan ni Harlene.


"Gusto ko siyang kasama, 'yung ganu'n. Kapag hindi ko siya kasama o naririnig, nami-miss ko siya. Gusto ko siyang kausap, maasikaso siya. Gusto ko kung paano siya sa mga anak niya, kung paano siya sa mga anak ko, kung paano siya sa mga tao, ganu'n. Mabuti siyang tao, at saka ano, totoo siyang tao. Hindi siya estatwa. Hahaha!"


Biro namin ni Ateng Janice (Bulgar's Entertainment editor) kay Harlene, usung-uso ang Boys Love series sa online sa gitna ng pandemic. Keri rin kaya ni Harlene na mag-produce ng 'quarantine love' naman na hango sa love story nila ni Fred?


"'Yung sa amin kasi, hindi namin in-expect pareho, eh, hindi hinanap, hindi pinlano. Nangyari lang siya. Parang blessing. Ang blessing, hindi naman ini-expect, kaya magugulat ka na lang. At 'pag dumating ang blessing, sobrang thankful mo, sobrang saya mo, ganu'n 'yung nangyari sa amin."


Um-agree naman si Harlene na si Fred na ang kanyang destiny kahit pa one month pa lang sila.


"Alam mo kasi, 46 na ako. Ang dami ko nang mga pinagdaanan, ganu'n din siya. May sarili rin siyang experiences sa buhay. And we're not naman 'yung para pumasok sa isang relationship para lang, wala lang, para lang maglaro o magsayang ng oras, 'di ba?"


Tungkol naman sa kasal, masyado pa raw maaga para pag-usapan nila ito. At saka, marami pa raw silang dapat ayusin bago pag-isipan ang tungkol sa kasal.


"Basta sa ngayon, we are enjoying each other's company. We're getting to know each other more and uh, we're enjoying our children. And we're enjoying doing things together, exploring. Maraming bagay na... 'yun muna 'yung inaayos namin," say pa niya.


Ang tinutukoy ni Harlene na kailangang ayusin ay ang annulment nila ni Romnick Sarmenta na isinampa niya sa korte.


"'Di ba dahil nabanggit ko na 'yun dati, nandoon pa rin siya dahil din sa lockdown. Lahat naman, naapektuhan. But it's there, and hopefully, umandar na ulit," dasal ni Harlene.


At kapag napawalang-bisa na ang kasal niya, open pa rin naman daw siya sa ideya of getting married. Hindi raw siya na-trauma sa pagpapakasal.


"Wala akong trauma. Ang sarap kaya ng may kasama sa buhay, ng may katuwang sa buhay na, oo, may basbas ni God. Proud ka lang, ganu'n."


True!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page