top of page

Kahit nag-public apology pa raw…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2020
  • 1 min read

PAULEEN, INUUDYUKANG TULUYANG IDEMANDA ANG NANLAIT SA ANAK NILA NI BOSSING VIC

ni Nitz Miralles - @Bida | August 23, 2020




May virtual mediacon next week ang Fit For Life at Chika, Besh! na parehong napapanood sa TV5. Si Jessy Mendiola ang host ng Fit For Life at sina Pauleen Luna, Ria Atayde at Pokwang ang mga hosts ng Chika, Besh!.


Parehong airing na ang dalawang shows, mag-a-update na lang ang mga hosts ng mga magaganap sa upcoming weeks sa kanilang show.


Matatanong tiyak nito si Pauleen tungkol sa basher na pati ang anak na si Tali ay nilait at tinawag na "pangit na bata". Ang tapang pa ng basher na sabihing mas gugustuhin niyang makulong kesa mag-public apology, pero nang sabihin ni Pauleen na puwede siyang idemanda ng cyber bullying, natakot ang becki at nag-issue ng public apology.


Sayang at hindi na nag-react si Pauleen sa public apology ng basher, kung pinatawad ba niya o hindi. Pero, may mga nagpapayo pa rin sa kanya na kahit nag-public apology na ang basher, ituloy pa rin ang pagdedemanda para hindi na ulitin sa ibang bata.


Tatanungin na rin namin sina Pauleen, Ria at Pokwang kung lahat ba ng ige-guest nila sa Chika, Besh! ay Kapamilya stars?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page