ni BRT @News| July 9, 2023
Sa gitna ng SIM card registration, lumala at tumaas ang mga insidente ng cybercrime sa Metro Manila nang 152% sa unang kalahati ng taon, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Mula Enero 1 hanggang Hunyo 30, hindi bababa sa 6,250 cybercrimes ang naiulat sa pulisya. Mas mataas ito sa 2,477 na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa mga cybercrimes na naitala sa Metro Manila, ang online scam ay umabot sa 4,446 — isang pagtaas mula sa 1,551 na insidente noong nakaraang taon.
Samantala, sa kabila umano ng SIM registration, posible pa umanong lumala ang cybercrime dahil sa mga malware sa internet, technological development at kapabayaan sa online users.
Comments