top of page
Search
  • BULGAR

Kahit may Kobe na… KYLINE, TODO-PATUTSADA PA RING MAMA'S BOY SI MAVY

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 2, 2024



Showbiz News

Marami ang naiinggit ngayon kay Kyline Alcantara dahil good catch at pinagpapantasyahan ng mga kababaihan ang bago niyang boyfriend na si Kobe Paras.


Kaya marami ang nagtatanong kung magtatagal ba ang relasyon nila o matutulad lang si Kyline sa anak ni Ina Raymundo na ex-girlfriend ni Kobe.


Samantala, si Kyline naman ay naugnay din sa ilang aktor na dati niyang nakatrabaho tulad nina Darren Espanto, Miguel Tanfelix at Mavy Legaspi. 


‘Yung kay Darren, ‘puppy love’ lang daw at one year lang nagtagal ang kanilang relasyon. 

Short term din ang naging ugnayan nila ni Miguel at hindi gaanong napag-usapan. 


Kontrobersiyal naman ang relasyon nila ni Mavy Legaspi dahil tinutulan diumano ng mom ng huli na si Carmina Villarroel ang kanilang relasyon.  


Well, ngayong may Kobe na ang aktres, mukhang masaya ang kanyang love life. Pero, pansin ng mga netizens ay bitter pa rin si Kyline dahil may patutsada pa rin siya tungkol sa isa niyang nakarelasyon na isa raw ‘mama’s boy’. 


Hindi man siya nagbanggit ng pangalan, alam ng lahat na si Mavy ang pinatutungkulan ni Kyline Alcantara. Sana raw ay kalimutan na ng aktres ang chapter ng nakaraan nila ni Mavy. Mag-move on na siya at ang kanyang career ang bigyan ng importansiya.


 

TULUY-TULOY na ang pag-ere ng Wil To Win ni Willie Revillame sa July 15 na mapapanood sa TV5, 5 PM. Ipapalabas din ito sa Buko Channel, Sari-sari Network, RPNTV at One PH. 


Sa July 14 ay magkakaroon muna ng welcome party ang show at dito ay ipakikilala na ang walong Win Girls na magiging co-hosts ni Willie.


Ang mga co-hosts niya ay sina Cindy Miranda, Kim Molina, Christine Bermas, Inday Fatima, Ana Ramsey, Queenay Mercado at ang mga beauty queens na sina Roberta Tamondong at Gab Basiano. 


Well, pinaghandaan nang husto ni Willie ang mga segments ng Wil To Win, lalo't makakatapat nito ang Family Feud ni Dingdong Dantes na napakataas ng ratings. 


Gayunpaman, naniniwala si Willie na meron siyang captured audience na sumusubaybay sa kanyang game show kahit saang network siya mapunta. 


Nagsimula siya noon sa ABS-CBN, TV5 at GMA-7. Hindi rin bumitaw ang mga fans at supporters ni Willie matapos ang halos tatlong taon na pamamahinga niya simula nang magpaalam siya sa GMA Network.


Samantala, maganda ang time slot na ibinigay sa kanya ng TV5 na 5 PM. Ito ang oras na nakasanayan ng mga viewers sa game show ni Willie Revillame. 


 

LUMUTANG ngayon sa social media ang mga naggagandahang pictorial ni Andrea Brillantes. Ang laki ng ipinayat ni Andrea at inamin naman niyang nag-undergo siya ng liposuction sa kanyang mga braso na lumaylay na. 


Well, ang ganda ng effect sa batang aktres, kaya panay na naman ang rampa niya ngayon. For sure, marami na namang manliligaw na nagpaparamdam sa kanya. 


Pero payo ng mga netizens kay Andrea, ang kanyang career muna ang pagtuunan niya ng oras sa halip na ang kanyang love life. 


Magaling umarte si Andrea Brillantes at malakas ang karisma niya sa tao. Kung magseseryoso siya sa kanyang career ay magle-level-up ang kanyang pagiging artista. 


Hindi makakatulong kay Andrea ang kanyang kontrobersiyal na love life at hindi pabor sa kanya ang maakusahang naging third party sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo  at Daniel Padilla. 






0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page