ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 18, 2024
Sey ng ilang showbiz Marites ay may bagong boyfriend na nga raw si Bea Alonzo.
Oh, eh, ano naman ngayon? ‘Di naman nakapagtataka kung magkaroon ng bagong boyfriend si Bea because maganda na, sikat pa at may mga properties na naimpok from her showbiz career at ilang product endorsements.
And one more thing, Bea is oozing with sex appeal kahit pa nagkakaedad na siya, at kahit na t-bird ay puwedeng mahumaling sa kanya, sa true lang, 'noh!
So, hayaan na lang natin ang love life ng isang Bea Alonzo 'coz karapatan niya ang lumigaya ke mereseng anuman ang kulay at lahi ng lucky guy, 'ika nga.
Boom, ganernnn!
HETO pa ang hanash ng ilang showbiz Marites, bakit daw ang daling nabuntis ni Ria Atayde, eh, kamakailan lang daw ito ikinasal kay Zanjoe Marudo?
Pakels n’yo? Babae si Ria, may laman, may dugo at may matris.
Saka, ang nakabuntis naman sa kanya ay asawa na niya ngayon na walang iba kundi si Zanjoe nga, 'noh!
Kaya nga balita namin, so happy ang mommy dearest ni Ria na si Sylvia Sanchez ‘coz magkakaapo na siya kina Ria at Zanjoe.
Pero may mga nagtatanong pa, bakit daw naunahan pa nina Ria at Zanjoe na magka-baby sina Arjo Atayde at Maine Mendoza?
Eh, sa hindi pa nila time magka-baby, pakels n’yo ba? Wait-wait na lang, 'ika nga. Malay natin, baka twins pa ang maging dyunakis nina Arjo at Maine, what do you think, mga
Marites at tribu ni Mosang?
Think and THINK BIG, okidoki? Boom, ganern!
NA-INTERVIEW ni yours truly ang Lord of Scents ng Aficionado na si Joel Cruz nu’ng mismong Father's Day last Sunday at nasabi ko sa kanya na very lucky ang kanyang walong anak for having him as their biological father at super-haba na with sense naman ang kanyang naging kasagutan.
Aniya, talagang blessed siya sa pagkakaroon ng 8 anak, pero hindi raw madali lalo't bawat isa ay kailangan niyang bigyan ng equal na pagmamahal at atensiyon.
Tinuruan din daw niya ang magkakapatid ng konsepto ng sharing at kung paano kumita sa murang edad nang sa gayon ay matuto ang mga itong pahalagahan ang kanilang kinikita.
May time nga raw na kapag lumalabas sila at naubusan halimbawa ng tubig matapos maglaro ang mga bata, share-share lang sa isang bote ang 8 magkakapatid.
Parte ng sinabi ni Joel na nagustuhan namin, "Hindi spoiled ang mga anak ko. Kapag meron silang ipinapabili sa ‘kin, palaging budget lang ang binibili ko sa kanila para maramdaman nila ang importance ng perang pinaghihirapan kitain.
"In fact, sila mismo ay kumikita kapag sila ay may endorsement o guesting sa television. ‘Yan ang pera nila na ginagamit kung meron silang gustong bilhin na personal bilang gamit.
"Cash na bigay ng mga ninong o ninang nila ay nasa bangko nila at alam nila kung magkano ang pera nila. Ipinapaliwanag ko sa mga anak ko na dapat din silang matuto kumita ng pera dahil ako ay high school pa lang ay nagtitipid na at nag-iipon para meron akong savings sa future."
Ang gusto lang naman daw ni Joel ay lumaking mabubuting anak ang 8 niyang chikiting at makapag-inspire ng ibang tao tulad niya.
So there! Happy Father’s Day to all fathers all over the world. Sana, may natutunan kayo sa naging pahayag na ito ni Aficionado King Joel Cruz.
‘Yun lang and I thank you.
Comments