ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 19, 2024
Photo: Bong Revilla at Tom Cruise - FB
Punumpuno ng aksiyon ang ikatlong season ng Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. na magsisimula na ngayong Linggo ng gabi, December 22, sa GMA-7.
Makapigil-hininga rin ang mga ginawang stunts ni Sen. Bong base sa trailer na napanood namin during the grand mediacon ng TWMNPSMNM na pagsasanib-puwersa ng GMA-7 at ng Imus Productions.
Mapanganib ang mga ginawang stunts ni Sen. Bong, lalo na kung iisipin na kailan lang ay sumailalim sa isang major surgery sa paa ang bida ng serye.
Aniya, wala naman siyang nararamdamang takot dahil ipinauubaya na niya ito kay Lord. Ang mahalaga ay makapagpasaya raw siya ng mga manonood.
“But nag-iingat ako. Nag-iingat pa rin tayo,” sambit niya.
Tapos na raw ang TWMNPSMNM by February 11, which is the start of the campaign. Tatakbo ulit si Sen. Bong for another term sa Senate.
“Kaya nga, seven episodes lang. Special season, seven episodes s’ya na mapapanood, kaya tutukan n’yo ang pitong linggo starting December 22,” sabi pa niya.
Kaya pala itinodo na niya sa Season 3 ang mga pasabog sa trailer na napanood namin.
Isa sa mga nakakatakot na stunt na napanood namin sa trailer ng TWMNPSMNM ay ang pagtalon sa tulay ni Sen. Bong kasama ang nahulog na kotse, kung saan naroon din si Beauty Gonzalez who plays the role of his wife.
Si Sen. Bong na nga raw ang Tom Cruise ng Pilipinas na habang tumatanda, lalong gumuguwapo at palaban pa rin sa aksiyon.
“‘Yun ‘yung gusto nating ma-achieve na kung kaya ng Amerika, kaya rin natin,” nakangiting sabi ni Sen. Bong.
After election ay gagawa raw siya ng pelikula. Na-shelve kasi ang movie na gagawin niya sana with the Megastar Sharon Cuneta na Alyas Pogi (AP) dahil sa aksidente niya.
Kasama rin dapat sa AP movie si Christopher de Leon.
Grateful naman si Beauty Gonzalez kay Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa pagpili sa kanya bilang leading lady sa comedy-action show sa GMA-7, ang Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (TWMNPSMNM). Kaya naman, very much willing siyang ikampanya si Sen. Bong sa muling pagtakbo nito bilang senador for free.
“Sinabi ko sa kanya, kahit walang bayad kasi magkaibigan kaming dalawa. And, uh, nakakahiya naman. Pero I don’t like asking those things, eh. My manager should talk about these things. But I told them for free ‘coz I love what I did with this whole thing.
“In fairness, ang dami kong billboards. Sabi ko nga sa kanya, nakakahiya. Parang mas marami pa kay Kathryn (Bernardo) doon sa EDSA. Hahaha!
“And you know, ang bait niya talaga sa pagbibigay ng tulong n’ya sa ‘kin. And he really respects me. Why not for free? We’re family.
“Ms. Lani (Mercado) is really nice to me. My husband loves him. My daughter loves our show so, I will do it for free,” esplika ni Beauty.
Speaking of Lani, there was a time raw na dumalaw si Lani sa set nila.
Kuwento niya, “Yes, nagpunta s’ya nu’ng Season 3. And I want to take this opportunity to thank Ms. Lani kasi nu’ng birthday ni Sen. (Bong), she really said beautiful things about me and Sen. na ‘yung show namin, naging successful.
Matiwasay ‘yung taping namin, walang nangyaring masama.”
Samantala, nagkuwento naman si Beauty sa buwis-buhay na eksena nila ni Sen. Bong mula sa tulay ay nahulog sila sa ilog.
“Ay, buwis-buhay talaga ‘yun. Buti na lang marunong akong mag-dive. I’m a certified diver, eh. So, ‘yun and kailangan, mahaba ang hininga mo. Palit-palit ng regulator. You have to have presence of mind. Kasi, ang chaka naman, Beauty Gonzalez, nalunod. Aguy!
“But I wasn’t scared because we have safety divers with us. But siyempre, sasakyan ‘yun. Tapos ‘yung mga tetano noon, ayaw mong magkasugat-sugat.
“So ‘yung presence of mind lang ba? Tapos, siyempre, senador ‘yan. Baka ma-Senate hearing ako ‘pag nalunod ‘yan, hindi natin kaya.
“So, talagang presence of mind and a lot of prayers. At awa ng Diyos, pati nga ‘yung direktor namin, nag-blocking na rin sa underwater para na rin masigurado,” kuwento pa ni Beauty Gonzalez.
תגובות