top of page
Search
  • BULGAR

Kahit may asawa na… LOVI, GAME NA GAME PA RING MAKIPAGTIKIMAN SA IBA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Sep. 23, 2024



Showbiz News

In honor of the late Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde ang ginanap na Regal Legacy: A Majestic Journey 60 Years and Beyond last Saturday sa Valencia Events Place.


Kasabay nito ang pagbibigay ng P1M donation ng mga anak ni Mother Lily na sina Mr. Dondon Monteverde at Roselle Monteverde kasama ang apo ng Regal Matriarch na si Keith Monteverde (na Executive Producer na rin ngayon ng Regal Films) sa Mowelfund na noon pa man ay tinutulungan na ni Mother.


At ang highlight ng event ay ang announcement ng tatlong upcoming movies ng Regal Entertainment na naaprubahan pa ni Mother Lily bago ito pumanaw.


Ang una ay ang Guilty Pleasure ni Lovi Poe na sexy romance kung saan kasama niya sina JM de Guzman at Jameson Blake. 


Pangalawa ang My Future You ng young love team na sina Francine Diaz at Seth Fedelin na siyempre pa ay romance fantasy at bale launching movie ng FranSeth na sinasabi ngang bagong KathNiel.


At pangatlo ang horror film na pinagbibidahan ni Ms. Jodi Santamaria titled Untold kung saan first time niya itong gumawa sa Regal kaya sobrang happy daw niya dahil fan din siya ng SRR (Shake, Rattle and Roll) nu'ng bata pa siya.


Napanood namin ang trailer ng tatlong movies at masasabi naming tatak-Regal pa rin ito bagama't tila may bagong flavor na ring hatid sa manonood.


Mapapa-“Ohhh, my ghad!!!” ka na lang kay Lovi Poe sa mga sexy at super hot scenes niya with JM de Guzman sa Guilty Pleasure.


Parang walang restrictions ang aktres mula sa mister na filmmaker na si Monty Blencowe dahil sa pagiging game na game ni Lovi sa mga eksena nila ni JM.


Sayang at ‘di namin nahingi ang reaksiyon ni Lovi sa sizzling scenes nila ni JM.

Sabagay, siya rin kasi ang co-producer ng pelikula kaya baka itinodo na niya.


 

Kahit puwedeng-puwede pa…

JODI, ‘DI NA FEEL MAGKAANAK ULI


Jodi

Ang cute naman ng chemistry nina Seth and Francine at mapi-feel mo nga ang galawang KathNiel sa kanila pero ayon sa dalawa, FranSeth sila at ‘di KathNiel. 

Oo nga naman, hayaan nating may mapatunayan sila sa sarili nilang paraan.


Nakaka-goosebumps din ‘yung Untold horror movie ni Jodi na sayang nga lang at ‘di namin naitanong kung mas takot ba siya sa sarili niya (tagline ng movie) o sa ex ng rumored BF niyang si Raymart Santiago na si Claudine Barretto, char!

Eh, kasi nga, parang ‘di feel pag-usapan ni Jodi ang personal life niya lalo na ang love life niya.


Nu'ng ipinatanong nga namin kay MJ Marfori ng TV5 kung hindi ba naghahanap ng kapatid si Thirdy, malakas na tawa at “Paano?” lang ang isinagot ni Jodi.

Naku, paano nga ba, Raymart? Char! Hahaha!

0 comments

Bình luận


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page