ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 23, 2021
Sikat na sikat sa buong 'Pinas ang matapang pero matulunging broadcaster na si Raffy Tulfo. Siya ang unang-unang nilalapitan ng mga taong nangangailangan ng tulong, hindi lang sa aspetong pinansiyal kundi pati 'yung may mga personal na problema sa buhay at 'yung mga taong naghahanap ng hustisya sa mga kasong legal.
Si Raffy ang nagsisilbing buhay na bayani at tagapagtanggol ng mga naaapi. Kaya naman, sa sobra niyang kasikatan ngayon ay marami ang kumukumbinse na tumakbo siyang senador sa darating na 2022 elections. Sure win na raw si Raffy dahil sa dami ng kanyang followers sa YouTube.
Pero, sa kabila ng pagkakaroon niya ng 21 million subscribers sa YouTube (na sapat na para maipanalo siya), nagpahayag ang sikat na broadcaster na hindi siya papasok sa pulitika. Hindi raw niya inambisyong maging senador. Kung tumutulong man siya ngayon sa mga nangangailangan, hindi 'yun nangangahulugan na may hinihingi siyang kapalit na pabor.
Sinsero si Raffy Tulfo sa kanyang pagtulong.
Comments