ni Mylene Alfonso | March 29, 2023
Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pagsasanib puwersa ng Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines bago matapos ang taong kasalukuyan.
Ayon kay Finance Sec. Benjamin Diokno, natalakay ang naturang usapin sa sectoral meeting na ginanap sa Malacañang kahapon.
Mangangahulugan aniya na ang pagsasanib ng dalawang financial institutions ay mauungusan na ang Banco De Oro partikular sa isyu ng asset.
"By merging the two, it will now become the number one bank in the Philippines, okay, ahead of Banco De Oro in terms of asset," sabi ni Diokno sa press briefing sa Palasyo.
"Now, the President expressed the desire to merge the two to make it the biggest bank in the country because of the recent financial developments abroad ‘no. And that’s really the best practice – the biggest bank usually is owned by the state globally," wika ng
kalihim.
Magkakaroon din aniya ng savings ang pamahalaan ng nasa P5.3 bilyon kada taon o P20 bilyon sa susunod na apat na taon.
"Ang advantage nito talaga is that we will be able to save a lot of money for the national government,” dagdag pa ni Diokno.
Aminado si Diokno na marami ang mawawalan ng trabaho sa pagsasanib puwersa ng Landbank at DBP ngunit maaari aniyang piliin ng empleyado na magretiro na lamang sa ilalim ng government pension system o tanggapin ang liberal package na iaalok ng gobyerno.
Nabatid na may 752 branches ang Landbank habang nasa 147 branches naman ang DBP kung saan 22 DBP branches na lamang ang mananatili sa bansa.
Comments