top of page
Search
BULGAR

Kahit manalo ang manok na si VP Leni… VICE, TANGGAP NA 'DI NA MAKAKABALIK ANG ABS-CBN

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 29, 2022



Once and for all ay sinagot ni Vice Ganda ang akusasyong kaya si Vice-President Leni Robredo ang sinusuportahan ng karamihan sa Kapamilya stars ay dahil sa gusto nilang maibalik ang prangkisa ng ABS-CBN.


Sa live episode ng It’s Showtime last Wednesday ay napag-usapan ang prangkisa ng ABS-CBN habang kinakapanayam nina Vice Ganda at Vhong Navarro ang Tawag ng Tanghalan contestant na si Dan Concilles.


Ang kinanta ng contestant ay Sabihin Mo Na kaya naitanong ni Vice Ganda kung ano ang nais niyang sabihin sa susunod na presidente ng Pilipinas ngayong nalalapit na ang halalan sa ika-9 ng Mayo.


Ang sagot ng contestant ay sana raw, bumalik na ang trabaho ng marami at binanggit na nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN ay nawalan din sila ng saya.


Dito na nagsimulang magsalita si Vice about the issue.


“Linawin lang natin, ha? Kasi ang daming nagsasabi, itong mga artistang ‘to, may mga ginagawa sila dahil ang tanging pakay nila ay para maibalik ang prangkisa.


“Para lang sa kaalaman ng nakararami, wala na ho kaming inaasahang prangkisa, dahil ‘yung dati naming prangkisa, meron na hong nagmamay-ari nu’n. Wala na po kaming hinahabol na dating prangkisa, dahil ang prangkisa namin ay may nagmamay-ari na, at pagmamay-ari na nila ‘yan nang ilang dekada,” pahayag ni Vice Ganda.


Matatandaang last January, kinumpirma ng National Telecommunications Commission na ang dating frequencies ng ABS-CBN ay hawak na ng Advanced Media Broadcasting System, Inc. ni dating Senador Manny Villar (Channel 2 at 16), ng Sonshine Media Network ni Pastor Apollo Quiboloy (Channel 43), at ng Aliw Broadcasting Corporation (Channel 23).


“Wala na pong mahahabol ang ABS-CBN,” ani Vice Ganda. “At ‘yung sinasabi na ang habol, ang gusto, prangkisa, wala na pong in-apply na franchise ang ABS, wala po. Kaya wala po kaming hinahabol na franchise.”


Muli ay inulit niya, “ABS is no longer after any franchise.”


Dagdag pa niya, “Kasi lagi kong nababasa, ‘Si ganyan, kaya ganyan, dahil sa franchise, kasi umaasa sila.’ Wala nang inaasahan. Tapos na ‘yung kabanata na ‘yun. Tapos na.”


Pero sa kabila nito, ang mga nawalan ng trabaho ay puwede pa rin naman daw maibalik pa.


“Puwede pang manumbalik ang mga trabaho, kasi ngayon, ang ABS-CBN ay nagpo-produce o lumilikha ng maraming contents na maaaring ipalabas sa maraming plataporma. Mas maraming content, mas maraming trabaho. Kaya ang ABS-CBN ay unti-unti na namang nagbubukas ng mga oportunidad,” sabi ni Vice Ganda.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page