ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | December 18, 2022
Taboo kay Wilbert Ross ang mag-frontal nudity kahit na kaliwa’t kanan ang pelikulang nagawa niya sa Vivamax dahil ang katwiran niya ay hindi naman kailangan.
Nakatsikahan namin ang Vivamax actor sa 1st anniversary ng Hey, Pretty Skin products at 4th anniversary naman ng Hey Pretty Skin Aesthetic Center at aminado siya na kahit na daring ang mga roles niya ay hindi pa rin siya mapapa-"oo" ng direktor at producer.
“Wala po akong ipapakita. Hindi po ako tumatanggap ng sexy (bold), hanggang sexy comedy na lang para iyon ang pambawi. I’m on the sexy comedy part,” nakangiting sabi ni Wilbert.
Ipinaalala namin sa kanya na nagpakita siya dati ng butt niya sa pelikulang Boy Bastos.
“Yes, sexy naman, at saka kailangan at nakakatawa namang tingnan. May mga limitations na po talaga sa sarili ko. Kasi kapag gumawa ako ng sexy scenes, tapos kailangang magpakita ng harap, never mangyayari ‘yun,” pagsisiguro ni Wilbert.
Dagdag pa niya, “Nakagawa naman na ako ng pumping scenes, pero walang nakita (suggestive).
Walang harap.”
Sariling kagustuhan niya ito at hindi siya mapipilit kahit na malaki pa ang ibabayad sa kanya.
Tanong namin, paano kung alukin siya at para ito sa international film festival?
“Hindi po talaga! I think hindi naman kailangan (maghubad) for an international. Kung maganda ang script, hindi kailangang magpakita.
“Kasi para sa akin, ‘yun na lang ang part na akin na lang ‘yun. Kasi 95% ng bahagi ng katawan ko, nakita na (pelikula) kaya ‘yung 5% na natitira, akin na lang, tulad nitong ano ko (private part) at moles ko sa katawan, akin na lang,” paliwanag ng aktor.
Samantala, mahusay talagang performer si Wilbert Ross kaya kaliwa’t kanan ang imbitasyon sa kanya sa corporate shows dahil napapasayaw niya ang lahat ng panauhin tulad nang dumalo siya sa Hey Pretty Skin at Hey Pretty Skin Aesthetic Center sa Marriott Hotel Resorts Drive nitong December 13.
As of now, walang karelasyon si Wilbert at ang katwiran niya, “Concentrate po muna ako sa career ko, mahirap kasi kapag meron. 'Pag wala, ako lang ang magde-decide ng mga gagawin ko, wala akong pagpapaalamanan.”
Sa kasalukuyan ay may natapos nang series si Wilbert sa Vivamax na ang titulo ay Working Boys kasama sina Andrew Muhlach, Nikko Natividad, Mikoy Morales at Bob Jbeili mula sa direksiyon ni Paolo O’Hara.
留言