ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 14, 2024
File Photo: Bong Revilla at Philip Salvador / FB
Matagumpay ang ginanap na unang araw ng two-day event na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair kahapon, October 11, sa Phil. Sports Arena, Pasig.
Napuno ang Ultra ng estimated 7,500 movie workers (another 7,500 ngayong araw) na naging beneficiaries ng landmark event in conjunction with the grand celebration of the 50th Metro Manila Film Festival.
First time ngang nangyari ang ganitong klaseng event kung saan naghanda ang pamunuan ng MMFF and its principal stakeholders tulad ng Movie Workers Welfare Foundation (MOWELFUND), Film Development Council of the Phils. (FDCP), Film Academy of the Phils. (FAP) at AKTOR ng iba't ibang booths ng mga government agencies upang magbigay-serbisyo sa mga manggagawa ng pelikulang Pilipino.
Bukod dito, nagbigay din ng ayuda sa 15,000 beneficiaries na umabot sa P75 milyon ang budget na inilaan ng gobyerno, organized under the visionary leadership of House Speaker Atty. Martin Romualdez.
Layunin ng programa na mas mailapit sa mga tao ang serbisyong-gobyerno at this time, ang sector nga ng film industry ang naging beneficiaries.
Present sa event ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ang ilang pulitiko tulad nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Congw. Lani Mercado, Erwin Tulfo, dating DILG Sec. Benhur Abalos, Pasig Cong. Roman Romulo, QC Cong. Arjo Atayde at marami pang iba bilang suporta sa adbokasiya ng MMFF, MMDA, MOWELFUND, FDCP, FAP at AKTOR na matulungan ang mga taga-industriya, lalo na ang maliliit na mga manggagawa.
Nakapanayam namin si Sen. Bong pagkatapos ng kanyang speech sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair at aniya, bagama't first time ngang nangyari na may ganitong event para sa mga taga-industriya, matagal na itong ginagawa ng administration ni PBBM na inililibot nila sa buong bansa at dinadala-inilalapit sa mga tao ang mga serbisyong-gobyerno para sa kanilang “Bagong Pilipinas” advocacy.
At kung may sapat na budget, baka maging taun-taon na rin daw ang grand event na ito.
Ayaw na lang daw niyang bigyan ng pansin ang mga manghuhusga at mag-iisip na kaya nila ginagawa ito ay dahil nalalapit na naman ang eleksiyon at nagpapapogi points sila sa mga tao.
Ang mahalaga nga naman, ramdam at nakakarating na sa mga tao ang serbisyong deserve nila at ang ayuda na galing din naman sa kaban ng bayan.
Samantala, diretso naming tinanong si Sen. Bong kung suportado ba niya ang pagtakbong senador ng BFF niyang si Phillip Salvador na nasa ilalim ng kalaban nilang partido (Partido ng Demokratikong Pilipino).
Bagama't napangiti sila ni Congw. Lani sa aming tanong, maayos naman itong sinagot ng aktor-senador at aniya, “Mahirap magsalita d'yan, kaibigan natin, ‘di ba? Basta, makikita natin… May partido tayong sinusunod. Mahirap ‘yan, pupuwede akong matanggal sa puwesto ko, kaya don't put me on the spot.
“Basta mahal ko si Phillip Salvador, ‘yun lang ang masasabi ko.”
So, for sure, maiintindihan ni Kuya Ipe kung ‘di man siya maikakampanya ni Sen. Bong na re-electionist din bilang senador dahil siyempre, ang nasa line-up ng kanilang partido (Lakas-CMD) ang kailangan niyang suportahan.
Pulitika lang ‘yan, mas malalim naman siguro ang friendship nila behind the camera.
15K ang nakinabang…
P75 M, AYUDA NG GOBYERNO SA MGA MOVIEWORKERS
MAY sarili nang fan base ang tambalang Kaori Oinuma at Jeremiah Lisbo kaya naman deserve nilang mabigyan ng break ang kanilang love team via ABS-CBN's You Tube Channel newest digital rom-com series titled Halfmates.
Napanood namin ang trailer ng Halfmates na tungkol sa dalawang tao na kailangang magsama at mag-share sa bahay matapos maloko ng double sale scam.
Cute ang mga eksena nina Kaori at Miah at malakas ang kilig nila kaya no wonder na sila ang napiling magbida sa series.
In real life, parang wala pa namang ligawang nangyayari sa dalawa, though open naman daw si Jeremiah sakaling may ma-feel siyang something kay Kaori.
Kaso mukhang iba ang priority ni Kao lalo't ngayon ay nabibigyan na siya ng good break sa kanyang showbiz career.
When asked kung ano'ng qualities ang gusto nilang maging ‘halfmate’ kung sakaling ma-experience nila ito, sabi ni Kaori, “‘Yung responsible lang,” ang hanap niya, while sey ni Miah, “God-fearing.”
Oh, well, kung mauuwi nga ang kanilang team-up sa totoong relasyon, abangan na lang natin lalo't mukhang may intimate scenes din sila sa Halfmates, ha?
Magsisimula nang mapanood ang Halfmates sa Oct. 18, 5:30 PM sa ABS-CBN's YouTube Channel.
Sa ilalim ng production ng RCD Narratives, ang Halfmates ay idinirehe ni Raz dela Torre at isinulat nina Chie Floresca at Akeem del Rosario kasama ang creative manager na si Arah Jell Badayos.
Commentaires