ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 10, 2025
Photo: Maine Mendoza at Arjo Atayde - Instagram
Masayang humarap sa amin kahapon ang Nathan Studios producer na si Ms. Sylvia Sanchez pagkatapos ng special screening ng anime movie na Buffalo Kids.
Ang Nathan Studios ang nakakuha ng rights para i-distribute sa ‘Pinas ang pampamilyang pelikula na showing na in cinemas nationwide on Feb. 12.
Binati namin si Ms. Ibyang dahil mukhang magiging box office hit ang Buffalo Kids na ang ganda ng story at kapupulutan ng aral tungkol sa batang naka-wheelchair na nakatagpo ng kaibigan sa isang train.
Sabi ni Ibyang, trailer lang ng pelikula ang napanood niya pero naintriga siya sa batang naka-wheelchair kaya napili niya itong bilhin abroad para ipalabas dito sa atin.
At true enough, ang galing ng napili niya.
Tinanong namin siya kung bukod sa international films ay magpoprodyus pa rin siya ng local films at aniya, may entry uli siyang inihahanda for MMFF 2025.
And when asked kung may balak ba siyang igawa rin ng movie ang mag-asawang Arjo Atayde at Maine Mendoza-Atayde, ani Ibyang, ang gusto raw ng dalawa ay sila ang magpo-produce ng movie nila.
Eh, baka may dream project naman ang Atayde couple kaya ganu'n.
Anyway, watch n'yo na lang ang Buffalo Kids on Feb. 12 at tiyak na mag-e-enjoy kayo sa heartwarming film na ito.
One week ago na mula nang bisitahin ng entertainment press for the very first time ang bagung-bago at napakabongga, napakasosyal at mala-5-star hotel na Pacita Mansion ng Beautederm's CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan sa Vigan, Ilocos Sur.
Inuumpisahan pa lang kasing gawin ang naturang Pacita Mansion na sadyang ipinagawa ni Ma'm Rei para sa kanyang ina na si Mama Pacita, naipangako na niya sa mga press na mga kaibigan na rin kung kanyang ituring na itu-tour niya kami ru'n.
Sobrang nakakataba ng puso ang mainit at masarap na pag-welcome sa amin ng buong Tan family sa pangunguna nina Ma'm Rei, Mama Pacita, Ms. Bambie (only sister ni Ma'm Rei) at ng kanyang mga staff na super-asikaso sa amin sa 3-day stay namin du'n from Feb. 1 to 3.
At mas pinasaya pa ang aming trip dahil join din sa amin ang mababait at super-kuwelang mga ambassadors ng Beautederm na sina DJ Jhai Ho at Cacai Bautista.
Ang daming patawa ng dalawa lalo na si Cacai na ang galing palang mag-Chinese (na ewan kung talagang Chinese words ‘yun o imbento lang niya. Hahaha!), pero natatameme ‘pag kinakantiyawan na ni Jhai Ho tungkol sa dating na-link sa kanyang si
Mario Maurer. Hahaha!
In fairness, ang daming nakakilala kay Cacai at nagpa-picture habang naglalakad kami sa Calle Crisologo.
Natuklasan lang namin na may phobia pala si Cacai sa ahas dahil nang magpunta kami sa Baluarte ni ex-Gov. Chavit Singson, ang lakas ng sigaw niya at nanginig talaga sa sobrang takot nang ilapit sa kanya ang isang dilaw na ahas.
Mabuti na lang at nu'ng nagpunta na kami sa old house ni Mayor Bonito Singson (younger brother ni Manong Chavit), kumalma na si Cacai at okay na uli.
Samantala, nakakabilib naman talaga ang mala-celebrity na ring businesswoman na si Ms. Rei Tan dahil mula sa pagiging dating DJ/reseller ng mga bags at damit, isa na siyang matagumpay na negosyante ngayon at kaibigan din hindi lang ng mga sikat na artista kundi maging ng malalaking pulitiko sa ‘Pinas.
At ‘yan ay nagsimula lang sa isang pangarap na kinambalan ng matinding pananampalataya sa Diyos at walang kapagurang pagsisikap, kaya hayan, isa na siya sa mga itinuturing na bilyonaryo sa Pilipinas, ngunit nananatiling humble sa kabila ng lahat.
Comments