ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 12, 2021
Kahit binagyo man nang matindi ang ABS-CBN last year dahil sa pagkaka-deny ng bagong prangkisa, proud pa rin si Vice Ganda na nandiyan pa rin ang network at unti-unting bumabangon.
Matatandaang July 10 last year ay na-deny ng House of Representatives ang pagkakaroon ng bagong prangkisa ng ABS-CBN na naging dahilan para tuluyan nang matigil ang TV airing ng network at mawalan ng trabaho ang libu-libong empleyado.
Sa It’s Showtime last Saturday na saktong isang taon simula nang ma-deny ang prangkisa ng ABS-CBN ay hindi napigilang ipahayag ni Vice ang kanyang nararamdaman.
“Dati, sobra akong nalulungkot, talagang nadudurog (ang) puso ko. Pero ngayon, sumasaya na ‘ko. Parang, the pain that I felt before is giving me strength right now. It’s giving me a reason to smile kasi, my God, isang taon na po ang nakakalipas pero nakatindig pa rin tayo, ha?” pahayag ni Vice.
Bilang Kapamilya, nasaksihan din niya ang unti-unting pagbangon ng network mula sa pagkakabagsak.
“Inakala natin na tuluyan na talaga tayong tutumba, durog na durog, na maibabaon pero nakatayo at unti-unting umaangat. Maliliit man pero it matters so much ‘yung mga pag-angat na ‘yan,” aniya.
Nakakataba nga raw ng puso na sama-sama pa rin sila kaya naman masaya na siya ngayon.
“Ako, kung tutulo man ang luha ko, tutulo na ‘yung luha ko na may kasamang ngiti at saya, at punumpuno ng pag-asa. Hindi na kasingdurog noong nakalipas na taon. One year na po ‘yan and we are still here, not just surviving but thriving for you madlang pipol,” masaya niyang wika.
Hindi rin nakatiis si Vice at naglabas ng kanyang pagkaimbiyerna sa naging issue sa kanila ni Bea Alonzo hinggil sa paglipat ng aktres sa GMA-7.
“Hindi kami galit sa mga lumilipat katulad ng ipinapalabas ninyong tsismis sa social media. Hoy, 2021 na, ang cheap-cheap ng trabaho n'yo. Cheap n'yo,” sey ni Vice.
Comments