top of page
Search

Kahit humirit na bombahin ang mga Chinese vessels sa WPS… SEN. ROBIN, GUSTONG IGAWA NG MOVIE NG CHINESE PRODUCER

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 22, 2025



Photo: Robin Padilla - FB


May ilan palang Chinese producers na gustong ipag-produce ng movie si Sen. Robin Padilla. Ito ang naikuwento kahapon ng APPCU chairman at senatoriable na si Mr. Raul Lambino sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery ni Sir Wilson Flores para sa press launch ng Award for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU) 2025.


Nagse-celebrate this year ng 50th anniversary ng Philippines-China Diplomatic Relations at kasamang humarap sa media ni Mr. Lambino sina Sixto Benedicto (APPCU president), Dr. Rommel Banlaoi (former Deputy National Security Adviser), Dr. Lucio Pitlo III (Research Fellow, Asia-Pacific Pathways to Progress Foundation) at George Cham (civic leader of Pangasinan province).


Sa one-on-one chikahan with Atty. Lambino (yes, isa siyang abogado at naging kliyente rin daw niya si the late Manoy Eddie Garcia), naikuwento nga niyang may mga Chinese producers na gustong gawing movie ang naging buhay ng East King of Sulu na si Paduka Pahala para maipakita na thousand years ago ay may maganda nang relationship ang Pilipinas at China, maging sa aspeto ng trading.


Si Sen. Robin daw ang best choice at most qualified for the role dahil bukod sa politician na rin ito ngayon, multi-talented-awarded actor din daw ito at isa pang Muslim.

“If there is one Filipino actor who understands ‘yung mga nangyari about Muslim… and Sen. Robin is also a very avid historical researcher, nag-aaral talaga. I’m very, very impressed of Sen. Robin’s intellectual capacity,” papuri ni Atty. Lambino sa senador.


Tatlo ang naging asawa ni Paduka Pahala kaya kung sinu-sino ang gaganap na leading ladies ni Sen. Robin, bahala na raw itong pumili, na for sure, dapat ay aprubado ni Mariel Rodriguez.


Ipinaalala namin kay Atty. Raul na may nasabi noon si Sen. Robin na bombahin na lang ng water canyon ang mga Chinese vessels sa WPS dahil sa pambu-bully sa mga mangingisdang Pinoy doon. Hindi ba nagalit ang Chinese govt. sa aktor-senador at ngayon ay gusto pang gawan ng pelikula?


Sagot ni Atty. Lambino na malapit na kaibigan din pala ni Sen. Robin, naiintindihan naman niya kung bakit nakapagsalita nang ganu’n ang senador, at hindi naman daw naging dahilan ‘yun para magalit ang mga Chinese sa aktor-pulitiko.


Oh, well, abangan na lang kung magpu-push through ang pinaplanong pelikulang ‘yan lalo’t super busy pa si Sen. Robin sa Senado. 


 

Ex ni Karla na si Jam, pagbayaran daw ang pambubugbog sa kanya… “WALA NANG KASALANG MAGAGANAP” — JELLIE AW



“WALA na pong kasal na magaganap,” ang diretsong sagot ng DJ na si Jellie Aw sa isang panayam patungkol sa kamakailang hirit ng ex-fiancé niyang si Jam Ignacio (na ex-BF din ni Karla Estrada) na patawarin niya ito matapos ang pambubugbog sa kanya at ituloy nila ang planong pagpapakasal.


Ayon kay Jellie — na medyo humupa na ang mga pasa at pamamaga ng mukha nang humarap sa media — napatawad na niya si Jam pero desidido siyang ituloy ang isinampang kasong physical abuse para pagbayarin sa nagawang pagkakamali ang ex-fiance.


Hindi raw puwedeng ikatwiran ni Jam na “napuno lang” siya kaya binugbog si Jellie dahil paano raw kung sakaling binigyan niya ng second chance ang BF at ulitin pa nito ang ginawa.


“Respeto na lang din po sa magulang ko kasi sobrang na-trauma rin po ‘yung mama ko, parang gabi-gabi po siyang umiiyak. Hindi ko kaya, hindi ko kayang ganu’n ‘yung nanay ko,” sabi pa ni Jellie nang magpunta sa NBI kahapon.


Inamin din ng DJ na mahal pa rin niya si Jam pero gusto niyang bigyan ito ng leksiyon sa pananakit sa kanya.


 

MARAMI naman ang nalungkot at kabilang na kami ru’n sa naging pag-amin kahapon ni Jeraldine Blackman na hiwalay na sila ng asawang si Josh Blackman.


Nag-post ng video si Jeraldine na iyak nang iyak, hindi raw niya alam kung paano sasabihing hiwalay na sila ng mister at humanap lang siya ng right timing.


Bagama’t obyus na in pain pa rin si Jeraldine, aniya ay magkaibigan pa rin naman sila ni Josh at co-parenting ang magiging setup nila sa kanilang dalawang anak na sina Jette at Nimo.


Una naming nakilala si Jeraldine nang i-launch siya bilang Beautederm ambassadress ni Ms. Rei Anicoche-Tan para sa Cristaux serum products nito.


Pero bago pa naging Beautederm ambassadress si Jeraldine, nakilala na ang Blackman Family sa nakakatuwa nilang vlogs at marami nga ang nagpa-follow sa kanila dahil sa kanilang ideal family.


Well, we wish na malagpasan ito ni Jeraldine, pero we’re also praying na sana ay magkaayos pa sila ni Josh at baka sakaling may second chance pa.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page