top of page
Search

Kahit hirap na hirap… YASSI, NAGSALITA NA SA MGA SAKRIPISYO BILANG CALENDAR GIRL

BULGAR

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 10, 2022


Ipinakilala ng Ginebra San Miguel, Inc. (GSMI) ang Filipino-British artist at Queen of the Dance Floor na si Yassi Pressman bilang 2023 Calendar Girl sa bonggang media launch para sa kanya sa Makati Diamond Residences nu'ng Martes nang gabi.


Magkahalong sorpresa at karangalan ang na-feel ni Yassi nu’ng makatanggap ng tawag upang ipaalam na siya ang pinakabagong miyembro ng pamilya ng GSMI.


Ayon kay Yassi, “Ang maging bahagi ng GSMI ay isa sa mga milestones ng aking buhay. Isang espesyal na karangalan ang mapabilang sa isang kumpanya na gumagawa ng mga produktong world-class at mataas ang kalidad.”


Nasabik daw na magkaroon ng live launch ang Ginebra San Miguel para sa 2023 Calendar Girl.


Paliwanag ng marketing manager na si Ron Molina, “Para sa amin, ang launch na ito ay siyang hudyat sa magiging tema sa paparating na taon. Maraming Pilipino ang naapektuhan ng pandemya ngunit ito na ang panahon upang tayo’y bumangon muli – na mayroong ‘Bagong Tapang’ upang mangarap at umasa, at maghandog ng positibong pananaw sa iba.”



Sa pamamagitan ng tema na “Queen of the Barangay,” ipinakilala si Yassi bilang isang modernong Filipina na kayang sumabay sa hamon ng new normal sa pamamagitan ng pagiging positibo at produktibo, dahil siya’y “matapang,” “ganado” at may “never-say-die” na attitude.


Being GSM’s new Calendar Girl ay inamin ni Yassi na marami siyang isinakripisyo.


“Kailangan ko siguro munang i-give-up, uh, ang maraming carbs. Hahaha! Uhm, I went through a big fitness journey this year katulad ng naipakita ko na rin naman sa mga tao sa online,” lahad niya.


Dugtong pa niya, “Uh, it was a lot of discipline for me mentally and physically. But I feel good. I feel happy. I feel healthy and I hope this also, you know, inspire other people also to get back 'coz 'yun ‘yung usual na comment na sinasabi nila na parang nagte-thank you sila.”


Pisikal at mental ang naging paghahanda ni Yassi upang maging patok ang kanyang representasyon bilang isang Ginebra Calendar Girl. Inamin niya na kahit bago pa man siya napili, sinusubukan na niyang mapanatiling malakas ang kanyang pangangatawan.


“Siyempre, mayroong mga pagkakataon na hindi ko maiwasan ang matakam sa mga pagkain, ngunit kahit ganoon, alam ko ang aking prayoridad – ang maging mas malakas, mas masigla, at mas masaya.”


Never na-imagine ni Yassi na magiging Calendar Girl siya ng Ginebra San Miguel.


“Actually, no. Hindi ko ever na-imagine. Pero when the opportunity came to me, pagkatapos sabi ko, ang ganda-ganda ng brand. It’s been around 188 years and to be chosen is an honor,” pahayag ni Yassi.


Mula nang sinimulan ng GSM ang pagkuha ng Calendar Girl since 1988, beauty queens, actresses, and models who have made their mark in their respective fields have graced the Ginebra San Miguel calendar.


Among them were Marian Rivera (2009 and 2014), Anne Curtis (2011), Solenn Heussaff (2012), Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (2019), Sanya Lopez (2020) and Chie Filomeno (2022).


“Kung may pressure sa akin being a GSM Calendar Girl? A lot, hahaha! ‘Yun lang. It’s a lot of pressure. I hope people will like it when they see it,” say pa ni Yassi.


Kinuha rin namin ang reaksiyon ng boyfriend ni Yassi na si Jon Semira sa sexy pictorial niya bilang 2023 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel.


Siyempre, hindi maiiwasang dahil dito, mas darami pa ang magpapantasya sa kanya.

“Wala naman,” ngiti ni Yassi. “He’s very happy and supportive.”

So there!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page