ni Madel Moratillo / Jeff Tumbado @News | August 23, 2023
Kinumpirma ng National Task Force for the West Philippine Sea ang matagumpay na resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sa isang pahayag, sinabi ng Task Force na hindi naging madali ang resupply mission dahil tinangka pa rin silang harangin ng mga barko ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia.
Nagkaroon din umano ng harassment pero sa kabila nito, matagumpay na nakarating ang supply ships Unaizah May 1 at Unaizah May 2 sa BRP Sierra Madre.
Nakaalalay naman sa kanila ang BRP Cabra at BRP Sindangan ng Philippine Coast Guard.
Gayunman, dahil may dati ng water cannon incident na nangyari noong August 5, naka-standby na rin ang Philippine Navy sa buong panahon ng misyon. Matatandaang noong Agosto 5, isang bangka lang ang nakarating at nagtagumpay sa paghahatid ng misyon kaya muling nagsagawa ng resupply mission ngayong buwan.
Comments