top of page
Search
BULGAR

Kahit grupo ni Kim ang pinanalo… ANNE, PINURI SI GABBI NA MAGALING NA JUDGE SA MAGPASIKAT

ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 28, 2024




Nakatanggap ng papuri si Gabbi Garcia kay Anne Curtis sa pagiging isa sa mga hurado sa Magpasikat segment ng It’s Showtime (IS). Marami ang nag-agree kay Anne sa kanyang sinabing “Gabbi!!! You were a “golden” hurado for us this year! Thank you for being such an intelligent and observant hurado, we appreciate your sweetness! Thank you for creating core memories with us this year!” 


Sumagot si Gabbi ng “@annecurtissmith Ate Anne! Thank you so much! Appreciate it!!! Means a lot to me!! Congratulations again.”


Maganda rin ang paliwanag ni Gabbi kung bakit napili ng mga hurado ang grupo ni Kim na Magpasikat winner.


Pahayag niya, “Personally, bukod sa napakagaling nilang lahat, I feel like the storytelling, ‘yung sa kanila ‘yung pinaka-clear, na talagang tumusok sa puso namin. Parang it was a long deliberation, we were in the room for maybe more than an hour, discussing kung sino ba talaga ‘yung third place, second place, first place. 


“Yes, talagang nag-debate talaga lahat and sobrang lahat ng judges this year, talagang lahat may insights. I loved how diverse also the crowd this year. Talagang we made sure na deserving talaga ‘yung mananalo.”


Sa tanong kung paano maging judge, “I had so much fun watching Magpasikat live,” sagot ni Gabbi. 


For sure, hindi ‘yun ang magiging last na pagge-guest ni Gabbi Garcia sa It’s Showtime.                                                                 


 

Payag ka, Kiko? SHARON AT GABBY, HINIRITAN NG FANS NA MAGSAMA SA PHOTO KASAMA ANG KANI-KANYANG PAMILYA



TUWANG-TUWA ang ShaGab fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa post ni Megastar ng photos nila ni Gabby sa first show nila ng Dear Heart (DH) concert sa Southern California.


Nagpasalamat si Sharon sa mga nanood sa kanila ni Gabby at ang mga comments, kinilig daw sa kanila. ‘Yung iba, muling manonood kahit sa  Beverly Hills ang show para lang muling mapanood ang dalawa at para muling ma-experience ang kilig na mapanood ang ShaGab.


May wish ang mga fans, sana raw makita nila na magkasama ang pamilya ni Sharon at pamilya ni Gabby.


Sey nila, “Would love that, 2 happy families in one frame. This is my prayer for these two, to become just friends so they can do collabs, movies, or teleseryes with ease and grace.”

Kapag nangyari ang wish ng mga fans, si KC Concepcion ang pinakamasaya. Nabanggit na nga nito na sobrang saya siya na okay na ang parents niya, at lalo siyang matutuwa kapag nagkasama nga ang dalawang pamilya niya.


‘Katuwa si Sharon, sa isang post nito suot ang gown na gawa ni Jot Losa dahil nagmukha siyang mataba, may disclaimer ito na hindi s’ya tumaba.


“Naku, ‘di ko nabigyan ng justice ang damit na ito- bakit napakataba ko suot ito tonight, nu’ng fitting hindi??? Sorry @jotlosa Nanay’s fault! Pero ‘di ako tumabaaaaa!!!”

Ang mga fans naman ni Sharon Cuneta, walang keber mataba man siya o hindi. Mahal pa rin nila si Mega, kaya wala siyang dapat ipangamba.


 

NAUNA nang bumisita si Sarah Lahbati sa baby ni Derek Ramsay at ng misis nito. Isinama pa ni Sarah sa pagbisita niya ang mga anak nila ni Richard Gutierrez na sina Zion at Kai.


Nakakatuwa ang comment ng mga netizens na okay palang bumisita sa bahay nina Derek dahil masarap ang food na inihain sa kanila. 


Sa post ni Sarah, makikitang may lechon pa and to think, simpleng pagbisita lang ‘yun nina Sarah at mga anak. May nakita pa kaming cake, sayang at hindi ipinost ni Sarah ang iba pang food na kanilang pinagsaluhan.


Siyempre, bawal pang ipakita ang face ng bagong baby ni Derek, but for sure, napiktyuran ito ni Sarah. Saka na lang niya ito ipo-post kapag puwede na.  

Saka, ang parents lang ang may karapatan ng face reveal ng kanilang baby, ang mauunang mag-post ng photo, tiyak na maba-bash.


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page