ni Gerard Arce @Sports | February 12, 2023
Tinuldukan na ni multi-weight champion at Mexican Hall of Famer Juan Manuel “Dinamita” Marquez ang anumang paghaharap na magkakaroon sa kanila ng nag-iisang eight-division World titlist Manny “Pacman” Pacquiao, maging tunay na laban o exhibition man ito, dahil para sa kanya siya ang nanalo.
Idiniin ng 49-anyos na retiradong boxing legend na hindi maganda ang kalalabasan ng anumang panibagong tapatan sa ibabaw ng ring sa kanila ng Pambansang Kamao dahil magsisilbi lang itong ugat muli ng panibagong giyera sa pagitan nila ni Pacman, na sa tingin niya ay natapos na noong 2012.
Isang malaking pagkakamaling muling magkaharap sa loob ng ring kasunod ng mga alok at haka-hakang pagtatapat dahil aminadong mauuwi lamang ang kanilang laban mas matinding salpukan lalo pa’t hindi makakalimutan ang 6th round knockout na natamo ng 44-anyos na Filipino boxing icon noong Disyembre 8, 2012 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
“It wouldn’t be an exhibition fight, do you agree? With the courage that it brings me and after what happened to me, that fight would not be an exhibition,” pagkaklaro ni Marquez, na nakikitang maaaaring magpatayan pa sa suntukan ang dalawa dahil sa kanilang nakaraan na umabot sa apat na serye ng paghaharap.
“We would go up to kill each other again. I don’t think so [we won’t agree on an exhibition]. That chapter is closed [forever].”
Inihayag ng four-division world titlist na hindi na masusundan ng isa pang sagupaan sa pagitan nila ni Pacquiao, gayundin ng anumang exhibition fights para sa kanya dahil tanggap nitong tapos na ang kanyang karera sa mundo ng boksing at hindi niya gawain na lumaban lamang para gumalaw-galaw.
Comments