ni Lolet Abania | March 23, 2022
Ipinahayag ng bagong appointed na si Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia ngayong Miyerkules na na-grant o pinayagan ng en banc ang mga petisyon ng Office of the Vice President (OVP) at mga ahensiya ng gobyerno at local government units (LGUs) na ipagpatuloy ang kanilang mga proyekto at mga programa sa kabuuan ng campaign period para sa 2022 elections.
“In an executive session today, the En Banc granted the Petition for Exception of the Office of the Vice President of certain projects and programs during the 45-day period of the campaign,” ani Garcia sa isang interview.
Gayunman, ayon kay Garcia, may ilang tinatawag na mga petitions for exception din ang na-denied o granted partially. Ang COVID-19 initiatives ng OVP ay pansamantalang natigil dahil ang campaign period para sa 2022 elections sa mga kandidatong tatakbo sa national positions ay opisyal na nagsimula noong Pebrero 8.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, na tatakbo sa pagka-pangulo sa May 9 elections, ang OVP ay naghain ng isang petisyon sa Comelec upang payagan ang opisina, hindi sa kanya partikular, na ipagpatuloy ang pandemic response nito kahit sa panahon ng campaign period.
Aniya pa, nais din niya na i-isolate ang mga programa nito mula sa pulitika. Sinabi naman ni Garcia na ang mga resolutions at iba pang mga detalye hinggil sa mga petisyon ay ilalabas nila ngayon ding araw.
Comments