top of page
Search
BULGAR

Kahit dinig na dinig na sa video… BELLE, TINAWAG NA 'BABE' SI DONNY, TODO-DENY PA RING MAGDYOWA NA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 20, 2023




Itinanggi ni Belle Mariano na tinawag niyang “Babe” ang ka-love team at rumored boyfriend na si Donny Pangilinan sa isang viral video.


Kamakailan kasi ay kumalat ang video sa social media kung saan ay mapapanood na sinabi ni Belle kay Donny na, “Babe, try mo ‘yung lato-lato.”


Of course, kinilig ang mga DonBelle fans dahil para sa kanila ay kumpirmasyon ito na may relasyon na nga ang dalawa although wala pa naman silang opisyal na pag-amin.


Pero ayon sa latest interview kay Belle ng ABS-CBN, hindi raw “Babe” ang sinabi niya sa naturang video.


“Grabe naman ‘yun, ako rin nagulat. Sabi ko, ‘Ha? ‘Yun ba ‘yung sinabi ko?’ Tiningnan ko ‘yung video. Guys, just to confirm, I said, I think from what I recall, I said, ‘Wait, try mo ‘yung lato-lato.


‘Try mo ‘yung nato-nato,’ ganyan,” paliwanag ni Belle.


Pero aminado naman siya na nu’ng panoorin niya ang video ay “Babe” rin ang dinig niya na kanyang sinabi. Kaya tinanong niya rin mismo sa kanyang mga kasama na nasa video kung talaga bang ‘yun ang sinabi niya.


“Natatawa ako na ganu’n din ‘yung pagkakarinig ko. Pero at that moment, I confirmed from everyone, ‘Did I really say that?’ Pero hindi po,” natatawa niyang sabi.


Pinanood nga namin ulit ang video at talagang “Babe” nga rin ang dinig namin. Pero puwede nga ring “Wait” tulad ng kine-claim niya.


So, there.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page