top of page
Search
  • BULGAR

Kahit dinelete na ang engagement photos nila ng fiance… CATRIONA AT SAM, MAGKASAMA PA RIN

ni Nitz Miralles @Bida | May 12, 2024



Photo
File photo: Sam Milby at Catriona Gray

Nalungkot na nga ang shippers nina Catriona Gray at Sam Milby sa balitang dinelete ni Catriona ang engagement photos nila ni Sam sa kanyang Instagram, lalo pa silang nalungkot nang makita ang larawan ng ex-couple (na ba?) na may hawak na coffee.


Nakalagay sa paper cup ang kape ng dalawa at nakasulat sa cup ni Sam ang “Mr. Milby,” nakasulat naman sa baso ng kape ni Catriona ang “Future Mrs. Milby.” Dahil break na raw, paano pa magiging Mrs. Milby si Catriona?


Pero, may nagtsika na noong isang araw, hindi lang nilinaw ng netizen kung before or after mag-delete ni Catriona ng engagement photos nila ni Sam, nakita silang magkasama. Ginawa na rin daw ni Catriona na nagde-delete ng photos nila ni Sam, pero nakikita pa rin silang magkasama.


Sabi tuloy ng netizens, may topak sina Catriona at Sam, may tumawag din sa kanilang weird. Hindi naman puwedeng akusahan sila na nagpapapansin dahil pansinin talaga ang mga face card nila.


Anyway, isa sa latest post ni Catriona ay nasa New York siya at ang caption ay “Still here (mentally).” Ang comment ay parang ina-assure nito ang sarili na she’s okay at ayon naman sa iba, she look happy.


Hindi lang maiwasan na may mag-wish na magkabalikan pa sila ni Sam at matuloy pa rin ang kanilang kasal, sayang daw ang kanilang relasyon. Sagot naman ng ibang netizens, ‘wag na ipilit ang hindi magwu-work at hayaan muna ang dalawa.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page